ABS-CBN broadcast journalist Alvin Elchico has officially joined “TV Patrol” as one of its main anchors along with Noli de Castro, Karen Davila, and Bernadette Sembrano on Monday night (September 2).
Nagpaalam na sa "TV Patrol Weekend"
Opisyal ng kasama ang ABS-CBN broadcast journalist na si Alvin Elchico sa anchors ng “TV Patrol” noong Lunes (Sept 2), kung saan katuwang niya sina Noli de Castro, Karen Davila, at Bernadette Sembrano sa paghahatid ng mga nagbabagang balita.
“Panibagong yugto na naman ng aking buhay sa newsroom ang aking tatahakin at araw-araw na ako magbabalita sa ‘TV Patrol.’ Maraming, maraming salamat po sa tiwala,” sabi ni Alvin.
Bago maging anchor ng "TV Patrol," nagsilbing anchor ng "TV Patrol Weekend" si Alvin sa loob ng 13 taon, habang nagbabalita bilang reporter ng energy at consumer beat. Nagsimula ang karera ni Alvin bilang field reporter hanggang sa naging anchor siya ng "TV Patrol Bacolod."
Sa kanyang paglipat sa Manila, naging bahagi rin si Alvin ng AM radio station ng ABS-CBN na DZMM Radyo Patrol 630 kung saan pinagpatuloy niya ang kanyang trabaho bilang field reporter.
Bukod sa "TV Patrol," patuloy pa rin ang pagiging anchor ni Alvin ng "Gising Pilipinas" kasama si Doris Bigornia sa Teleradyo Serbisyo.
Si Alvin ang pumalit kay Henry Omaga Diaz na nagpaalam sa "TV Patrol" noong Biyernes ng gabi para samahan ang kanyang pamilya sa Canada matapos ang ilang taon bilang ABS-CBN broadcast journalist at news anchor.
“Salamat po sa lahat ng Kapamilya na patuloy na tumatangkilik sa ABS-CBN News. Ipinapangako po namin na hindi naming kayo iiwan at patuloy naming palalakasin at pagagandahin ang pagkalap ng balita at impormasyon para sa sambayanang Pilipino sa Pilipinas at sa buong mundo,” dagdag niya.
Para sa iba pang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang
www.abs-cbn.com/newsroom.