News Releases

English | Tagalog

Joshua, tampok sa Romance Central ng Cinema One

September 30, 2024 AT 09 : 45 AM

Joshua Garcia stars in Cinema One's Romance Central this October.

Andrea, makakakuwentuhan ni Bianca sa “The B Side”

Matapos ang box office success ng “Unhappy For You,” magpapaibig naman si Joshua Garcia ng mga manonood sa telebisyon sa pamamagitan ng Cinema One ngayong Oktubre.
 
Saksihan siya bilang ang optimistic na si Caloy sa “Love You to the Stars and Back” (Okt. 6), mapagmahal na si Vince sa “Vince & Kath & James” (Okt. 13), happy-go-lucky na si Jason sa “Unexpectedly Yours” (Okt. 20), at competitive assistant na si Joko sa “I Love You, Hater” (Okt. 27) sa Romance Central block, 5pm.
 
Takot at kababalaghan naman ang hatid nina JC Santos at Agot Isidro sa horror film na “Motel Acacia” na mapapanood sa Blockbuster Sundays sa Oktubre 27, 7pm. Ipapalabas din sa blockbuster block ang “Jack Em Popoy: The Puliscredibles” nina Coco Martin, Maine Mendoza, at Vic Sotto sa Okt. 6, “Fantastica” ni Vice Ganda sa Okt. 13, at “Four Sisters Before the Wedding” nina Alexa Ilacad, Belle Mariano, Charlie Dizon, at Gillian Vicencio sa Okt. 27.
 
Halo-halong emosyon naman ang hatid ng mga Kapamilya aktres sa Monday Drama, 9pm. Huwag palampasin ang “Barcelona: A Love Untold” ni Kathryn Bernardo (Okt. 7), “Man and Wife” ni Jodi Sta. Maria (Okt. 14), “No Other Woman” ni Anne Curtis (Okt. 21), at “A Moment in Time” ni Julia Montes (Okt. 28).
 
Samantala, makakakuwentuhan naman ni Bianca Gonzalez sa “The B Side” ang “High Street” star na si Andrea Brillantes na ipapalabas ngayong Oktubre 11 (Biyernes), 3pm sa Cinema One Facebook at YouTube channel. Mapapanood din ang replays nito sa cable tuwing Sabado, 6pm, Linggo, 9pm, at Lunes, 10am.
 
Available ang Cinema One, ang tahanan ng Filipino blockbuster movies, sa SKYcable ch. 56, Cignal ch. 45, GSat Direct TV ch. 14, at iba pang local cable service providers. Para sa karagdagang detalye, sundan ang Cinema One sa Facebook, X (Twitter), Instagram, TikTok, at YouTube.
 
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, TikTok, o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.