Umani agad ng 1 million streams; #5 sa trending MV sa YouTube
“
Namumula” ang titulo ng bagong kanta ni Maki na alay niya para sa mga taong mahilig sa red flag pagdating sa pag-ibig.
Una itong napakinggan noong Biyernes (Agosto 30) at umani agad ng mahigit isang million streams sa streaming platforms sa loob ng apat na araw.
Kasabay rin nilabas ng kanta ang
music video nito na nasa ikalimang pwesto sa kasalukuyan sa ‘Trending for music’ sa YouTube at meron nang higit sa 500,000 views. Tampok dito ang “It’s Showtime Online U” host na si Jannah Chua bilang love interest ni Maki.
Tungkol ang “Namumula” sa damdamin ng isang tao na nagpapadala pa rin sa emosyon sa kabila ng red flags o mga babala na nararamdaman niya. Sinundan nito ang hit single ni Maki na “Dilaw.”
Nanguna agad ang “Namumula” sa New Music Friday playlist ng Spotify kung saan tampok din ang Tarsier Records artist na si Maki sa cover. Na-feature din ang kanta sa OPM Rising at Radar PH playlist kung saan naging cover din siya.
Samantala, nakatakda naman niyang pangunahan ang sold-out “Maki-Concert” sa New Frontier Theater sa Nobyembre 29 at 30.
Napapakinggan na ang “Namumula” single ni Maki sa
iba’t ibang streaming platfoms. Para sa detalye, sundan ang Tarsier Records sa
Facebook,
X (Twitter),
Instagram,
TikTok, at
YouTube.
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa
Facebook,
X (Twitter),
Instagram,
TikTok, at bisitahin ang
www.abs-cbn.com/newsroom.