Andrea magpapasiklab bilang bagong "ASAP" Dance Siren
Samahan ang “ASAP” family sa isang bonggang pagdiriwang ng Pinoy Pride sa isang Kapamilya Hero’s Welcome para kay Carlos Yulo ngayong Linggo (Setyembre 8) sa pamamagitan ng Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.
Saksihan ang golden performances mula sa OPM icons na sina Gary Valenciano, Martin Nievera, Regine Velasquez, Ogie Alcasid, at Erik Santos sa kanilang pagsalubong sa Olympic gymnast at gold medalist na si Carlos Yulo.
Bibigyang pugay rin ng “ASAP” ang world dance champion na Team Genesis, na nanalo ng 4 gold at 2 silver medals sa United Dance Organization (UDO) World Street Dance Championships. Sasamahan sila ng dance idols na sina AC Bonifacio, Gela Atayde, at Ken San Jose.
Itodo pa ang sayawan kasama ang pinakabagong miyembro ng "ASAP" Dance Sirens na si Andrea Brillantes na may dalang hot and sizzling moves kasama sina Chie Filomeno at Anji Salvacion.
Maghanda para sa ultimate biritan showdown kasama ang mga singing champion na sina Morissette, Jona, at Klarisse De Guzman. Sundan ito ng kapana-panabik na performance ni Regine ng kanyang bagong single.
May handog naman sina Joshua Garcia at Julia Barretto na nakakakilig na awitin para sa tagumpay ng kanilang pelikulang “Un/happy For You.”
Abangan naman ang isang heartwarming Grandparents’ Day tribute kasama ang OPM icons, isang nakakaaliw na kantahan kasama ang Rockoustic Heartthrobs, at ang ubod na sayang talakayan kasama ang “ASAP” hosts.
Panoorin ang golden “ASAP” experience ngayong Linggo sa “ASAP," 12 NN, sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide sa TFC.
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.