Isang malaking pasabog mula kay Kuya ang nagpayanig sa loob ng kanyang bahay matapos makilala ni Kai ang kanyang hindi pa nakikilalang biological mother sa nagdaang episode ng "Pinoy Big Brother Gen 11."
Sa kasagsagan ng weekly task ng Housemates kung saan dapat silang manatiling kalmado o walang madama kahit anong mangyari, nawindang sila sa ipinasilip na positive result ni Kai na nag-uugnay sa kanyang tunay na ina at kinalaunan ay binigyang pagkakataong makasama siya sa loob ng bahay.
Kasama ang kanyang adoptive mother na si Mommy Flora, ibinahagi ni Kai ang saloobin nang makita niya sa wakas ang kanyang biological mother na si Jean.
Aniya, "Na-realize ko na wala akong reason para magalit. I understand your situation. It may not be the right thing to do but it was meant to happen. I am very grateful for the life I have now."
Matapos naman ang eviction ni Jan noong isang linggo, nanganganib namang sumunod na mapalabas ngayong Sabado (Setyembre 7) ang mga nominadong sina Fyang, Kolette, pati ang 2-in-1 Housemates na sina Joli at Gwen.
Sa mga nais bumoto, i-download at mag-sign up nang libre sa Maya app, ang official voting partner ng PBB Gen 11. I-tap lang ang PBB icon sa app para makaboto ng mga nominadong Housemate na nais nilang ma-save o evict, at pwedeng bumoto ng 10, 50, o 110 votes na ibabawas sa Maya wallet. Pwedeng makaboto ng 15 beses kada araw.
Abangan ang latest updates sa "Pinoy Big Brother Gen 11" tuwing Lunes hanggang Biyernes, 10:15 PM sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, TV5, at iWantTFC.
Mapapanood din ito tuwing Sabado at Linggo, 8:30 PM sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, at iWantTFC, at 9:30 PM sa TV5.
Para sa iba pang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang
www.abs-cbn.com/newsroom.