News Releases

English | Tagalog

Kwento sa likod ng mga Christmas song ni Jose Mari Chan, ihahatid ni Bernadette sa "Tao Po"

September 08, 2024 AT 01 : 50 AM

Bernadette Sembrano takes viewers on a merry and bright episode as she chats with Jose Mari Chan whose Christmas songs have become part of the yuletide celebration of every Filipino on “Tao Po” this September 8 at 6:30 pm.

 

Eere ngayong Linggo, 6:30 pm
 

Handog ni Bernadette Sembrano sa mga manonood ang isang maligayang episode dahil makakapanayam niya Jose Mari Chan, ang singer sa likod ng mga Christmas song na bahagi na nang pagdidiriwang ng Pasko ng bawat Pilipino sa “Tao Po” ngayong Setyembre 8, 6:30 ng gabi.

Para sa maraming Pilipino, Setyembre ang hudyat ng Christmas season, kung saan trending lagi ang mga awiting "Christmas in our Hearts" at "A Perfect Christmas" ni Jose Mari Chan. Sa episode ngayong Linggo, ibabahagi ng OPM at Filipino Christmas icon kay Bernadette ang inspirasyon sa likod ng kanyang mga Christmas song.

Tampok din sa episode sa Linggo ang pagsasanay ni ABS-CBN reporter at dating Philippine team swimmer na si Gretchen Fullido kasama ang co-swimmer na si Justine Oliveros, na nanalo ng tatlong gintong medalya sa 2024 Palarong Bansa. Ipinanganak na walang kaliwang binti at deformed na mga daliri si Justine, pero hindi ito naging hadlang para siya ay maging isang magaling na atleta.

Samantala, ibabahagi naman ni Kabayan Noli de Castro ang nakakabagbag-damdaming kwento ni Myla Manaluz, isang single mother at VAWC officer, na isa sa mga naging highlight ng 3rd annual Tilapia Cooking Festival sa Minalin, Pampanga.

 

Panoorin ang mga kuwentong ito ngayong Linggo (Setyembre 8) sa “Tao Po” ganap na 6:30 ng gabi sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, ABS-CBN News’s YouTube Channel, at iWantTFC.Para sa ibang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, TikTok, at Threads o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.   

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 3 PHOTOS FROM THIS ARTICLE