In an interview with ABS-CBN journalist Izzy Lee, Sam Concepcion reveals the secrets behind his remarkable fitness transformation, the discipline that shaped his toned body, and his exciting plans for a showbiz comeback.
Tampok din ang kwento ng mala-ubeng bahay ng isang lola at batang pintor ng mga makatotohanang paintings
Ibibida ni Sam Concepcion kay Kapamilya reporter Izzy Lee kung paano niya nahubog ang maskuladong pangangatawan niya na kinabaliwan ng fans at netizens sa social media ngayong Linggo (January 12) sa “Tao Po.”
Agaw-pansin ang post sa Instagram ng singer at theater actor na si Sam na nag-trending online dahil sa kanyang “buffed” o pasabog na maskuladong porma habang nakasuot ng puting sando sa kanyang performance sa musical play na "Once on This Island" noong October 2024.
Sa edad na 12, unang nakilala ang husay ni Sam sa pagkanta matapos tanghaling grand winner ng “Little Big Star” ng ABS-CBN noong 2006 na sinundan ng kaliwa’t kanang oportunidad sa showbiz, teleserye, musika, at teatro. Ilan sa mga proyektong kinabilangan ni Sam ay “Cinco,” “Pop Class,” “I Do Bidoo Bidoo: Heto nApo sila!,” at “The Killer Bride.”
Ngayong 2025, handa na si Sam na bumalik sa showbiz matapos maging aktibo sa pagtatanghal sa musical plays noong 2024.
Bibisitahin naman ni Bernadette Sembrano ang tahanan ni Marilyn de Guia na binansagang “Nanay Violet” dahil sa sandamakmak na koleksyong mga gamit na kulay “violet” simula pa noong 2009.
Samantala, samahan naman si Kabayan Noli de Castro na alamin ang kwento ng binatang pintor na si Emmanuel Dane Ventura na kilala sa kanyang mga makatotohanang painting na parang kinunan ng kamera.
Abangan ang mga kuwentong puno ng pag-asa at inspirasyon sa "Tao Po" ngayong Linggo, 6:30 p.m. Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, ABS-CBN News’s YouTube Channel, at iWantTFC.
Para sa ibang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, TikTok, at Threads o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.