News Releases

English | Tagalog

ABS-CBN News, hatid ang malawakang pagbabalita sa Halalan 2025

January 17, 2025 AT 08 : 30 AM

ABS-CBN has partnered with various government agencies, media organizations, poll watch groups, research firms, and academic institutions to reaffirm their commitment to ensuring peaceful and honest elections, along with helping voters make a well-informed decision in choosing the next leaders of the nation

Katuwang ang mga ahensya at institusyon para sa panawagang mapayapang eleksyon

Naghahanda muli ang ABS-CBN News para sa malawakang pag-uulat nito sa mga kaganapan at napapanahong isyu sa Halalan 2025.

Hatid rin ng ABS-CBN News ang one-on-one interviews kasama ang iba’t ibang mga kandidato sa Harapan 2025,” at pagkilala sa mga naghahangad maging lider ng kani-kanilang lokal na pamahalaan sa “Biyaheng City Hall.”

Bibisita rin ang ABS-CBN News sa mga paaralan para magbigay patnubay sa mga nakababatang botante sa “Campus Patrol,” bilang bahagi ng kanilang youth voter education effort.

Maaari na ring malaman ang mga pinakuling balita at impormasyon sa Halalan page ng official ABS-CBN.com website.

Samantala, nagsagawa naman ang ABS-CBN ng isang covenant signing event nitong Martes (Enero 14), kung saan nagsama-sama ang mga partner nito mula sa pampubliko at pribadong sektor para sa panawagang malinis at tapat na eleksyon, at magbigay plataportma sa mga hinaing ng mga botanteng Pilipino.

Katuwang ng ABS-CBN News sa Halalan 2025 coverage ang mga ahensya ng gobyerno gaya ng Commission on Elections (COMELEC), Department of Education (DepEd), Department of Information and Communications Technology (DICT), Department of Foreign Affairs Overseas Voting Secretariat (DFA-OVS), Armed Forces of the Philippines (AFP), at Philippine National Police (PNP). Gayundin ang media partners nitong Manila Bulletin, Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP), Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ), Philippine Press Institute (PPI), at Google & YouTube.

Kasapi rin ang poll watcher organizations na Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV), National Citizens’ Movement for Free Elections (NAMFREL), YouthVote, Legal Network for Truthful Elections (LENTE), at KontraDaya, pati research agencies na WR Numero, Pulse Asia at PARTICIPATE, at ang Makati Business Club (MBC).

At katuwang din ng ABS-CBN News ang University of the Philippines Dept. of Political Science, Ateneo de Manila University-School of Government, De La Salle Philippines, University of Santo Tomas, Cavite State University, Polytechnic University of the Philippines, San Beda University, Saint Louis University-Baguio City, Siliman University, at STI.

Dumalo sa covenant signing event sina COMELEC chairman George Garcia, DICT secretary Ivan John Uy, DFA USec. Jesus Domingo, DepEd ASec. Cilette Liboro Co, PNP chief PGen. Rommel Marbil, AFP spokesperson Col. Francel Padilla, mga representative mula sa iba’t ibang organisasyon, at ABS-CBN executives na sina chairman Mark Lopez, president and CEO Carlo Katigbak, COO for broadcast Cory Vidanes, at vice president for news Francis Toral.

Para sa ibang Kapamilya updates, sundan ang @ABSCBNPR sa Facebook, X, Instagram, at TikTok, o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.