Coco shared that the story will soon take on an exciting new twist when it introduces fresh characters
“Dream cast” ni Coco, magsasama-sama!
Nakatakdang sumabog ang mga rebelasyon sa “FPJ’s Batang Quiapo” dahil sa mga pagbabagong mangyayari sa buhay ni Tanggol (Coco Martin) sa serye, na ipinagdiriwang ang ika-500 na episode kahapon (Enero 16).
Nababalot man ng hinagpis ang puso ni Tanggol matapos malaman na hindi si Rigor (John Estrada) ang tatay niya, desidido na siyang hanapin ang totoo niyang ama para tuluyang alamin ang tunay niyang pagkatao. Isang malaking gulo naman ang nagbabadya kasi hindi magiging madali para kay Tanggol na mag-move kaya maghihiganti pa siya kay Rigor para sa lahat ng pagmamaltrato na ginawa sa kanya nito.
Simula pa lang ito ng mga aabangang pasabog sa hit Kapamilya serye dahil ibinahagi ni Coco na maraming mangyayaring pagbabago sa takbo ng kwento at may mga bagong karakter din na papasok.
“Ginalaw ko na ‘yung bawat character. Ito na ang lahat ng revelation kasi may papasok na mga bagong karakter at panibagong kwento. Gusto namin na parang ibang show na ang pinapanood ng viewers para hindi natatapos ang excitement gabi-gabi,” sabi ni Coco sa kanyang panayam sa “TV Patrol.”
May pahapyaw naman si Coco sa kanyang sorpresa na magugulat at siguradong matutuwa ang mga manonood sa mga bagong karakter na kinabibilangan ng mga bigating artista.
“Dream cast. Lagi kong nilu-look forward na makatrabaho ang mga mahuhusay na veteran actors at ‘yung mga artista na gustong-gustong mapanood ng mga bata. Tamang combination ito ng cast,” dagdag ni Coco.
Samantala, makiki-fiesta ang cast ng “FPJ’s Batang Quiapo” sa masayang selebrasyon sa “Sinulog Kapamilya Karavan” na gaganapin ngayong Sabado (Enero 18), 4PM sa Ayala Center Cebu.
Huwag palampasin ang maaaksyong kaganapan sa “FPJ’s Batang Quiapo,” na hango sa orihinal na kwento ng Regal Films, gabi-gabi ng 8 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, iWantTFC, at Kapamilya Online Live. Available ang latest episodes nito sa loob ng 21 na araw matapos silang unang ipalabas sa Kapamilya Online Live sa YouTube. I-rescan lang ang anumang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus box, para makanood sa TV5 at A2Z. Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng iWantTFC at The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV.
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang http://corporate.abs-cbn.com/newsroom.