Alay ang awitin sa isang P-pop girl group member
Ipinakilala ng ABS-CBN record label na StarPop ang kanilang bagong artist na si Justin Mclaire na naglunsad ng kanyang debut single na “Bining Pantasya.”
Isinulat mismo ni Justin ang awitin na kumuha ng inspirasyon mula sa isang P-pop girl group member na hinahangaan niya.
“No’ng minsan na nakikinig ako ng songs, may biglang sumikat na P-pop girl group tapos naisip ko na gawan ng kanta yung isang member sa group na iyon at siya yung naging inspirasyon ko sa kanta,” saad niya.
Tungkol ang awitin na prinodyus ni StarPop label head Roque “Rox” Santos sa perfect date kasama ang taong minamahal.
Ilan sa musical influences ni Justin ay ang local at international artists na sina Flow G, Adie, at Ez Mil. Bukod sa musika, sumabak din ang baguhang singer-songwriter sa teatro sa edad na anim na taong gulang. Naging bahagi rin siya ng talent search ng isang noontime variety program.
Available na sa iba’t ibang digital streaming platforms ang debut single ni Justin na “Bining Pantasya.” Para sa ibang detalye, sundan ang StarPop sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok.
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.