News Releases

English | Tagalog

ABS-CBN, hinirang na Digital Media Network of the Year sa 2025 Platinum Stallion Awards

February 18, 2025 AT 09 : 28 AM

ABS-CBN was honored as the Digital Media Network of the Year at the 2025 Platinum Stallion Awards, where it won a total of 11 accolades at the awarding ceremony held at the Trinity University of Asia.

ABS-CBN panalo ng 11 parangal
 
Pinarangalan ang ABS-CBN bilang Digital Media Network of the Year sa 2025 Platinum Stallion Awards, at umani ng 11 na parangal sa awarding ceremony na ginanap sa Trinity University of Asia.

Panalo si Vice Ganda ng Best Film Artist, habang si Jun Lana naman ay naiuwi ang Director of the Year na parangal para sa pelikula ng Star Cinema na “And the Breadwinner is.”

Ang morning talk show na "Magandang Buhay" ay kinilalang Celebrity Talk Show of the Year habang ang "It's Showtime" ay nanalo ng Best Noontime Show.

Samantala, itinanghal ang "Rainbow Rumble" na Best Game Show habang si Luis Manzano ay pinarangalan ng Best Variety Show Host.

Kinilala rin ang beteranong journalist na si Bernadette Sembrano bilang Best Public Service Program Host.
Pinarangalan ang BINI bilang Filipino Girl Group of the Year, habang ang BGYO naman ay kinilala bilang Filipino Boy Group of the Year. Panalo rin ng Music Video of the Year ang “Cherry on Top” ng nation’s girl group.

Ang Platinum Stallion Awards ng Trinity University of Asia (TUA) ay kinikilala ang mga huwaran na personalidad, programa, pelikula, at organisasyon sa media industry. Ang mga nagwagi ay base sa university-wide survey na isinagawa sa mga estudyante, guro, at miyembro ng TUA community.

Para sa ibang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, X (dating Twitter), Instagram, at TikTok o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.