Mananatiling Kapamilya ang nation’s girl group na BINI sa kanilang muling pagpirma ng kontrata sa ABS-CBN sa ginanap na “BINI: Kapamilya Hanggang Dulo,” ang Network Contract Signing ng BINI sa ABS-CBN na ginanap noong Martes (Peb. 4) sa ABS-CBN Dolphy Theater.
Kumpleto ang BINI members na sina Sheena, Jhoanna, Mikha, Stacey, Gwen, Maloi, Colet at Aiah sa kanilang pagpirma ng kontrata sa ABS-CBN, sa talent management arm na Star Magic, at music label na Star Music apat na taon pagkatapos ng kanilang debut.
Ipinahayag ni ABS-CBN COO Cory Vidanes ang pagbati at pasasalamat ng Kapamilya network sa blooming idols.
“Thank you for your continued trust in ABS-CBN. You entrusted us since the day each of you auditioned for BINI until today when you signed our new contract. This is a commitment to our shared goal of world-class excellence. Congratulations to all your successes, we are very proud of who you have become and what you have achieved,” aniya.
“BINI, you are very special and you have become a part of Pinoy culture. You rightfully deserve to be called the nation’s girl group and the pride of the Filipino people,” dagdag pa niya.
Nagpasalamat naman ang grupo sa pamamagitan ni BINI Aiah sa ABS-CBN sa tiwala ng kompanya sa kanila at sa pag-suporta sa kanilang individuality at authenticity.
Sabi niya, “Thank you because you were the first one who believed in us. Thank you because you allow us to become authentic, you allow us to grow at our own pace. We also get to have our voice and you don’t shut us down.”
Excited na rin ang grupo sa mga susunod na taon na pagsasamahan nila. Aniya, “We’ve gone through a lot for the first couple of years together at hindi madali with the whole shutdown, pandemic, and everything else. but knowing that we can get through that, ano pa kaya in the next couple of years? And i think what’s going to be beautiful is that we’re all still gonna be there for each other and conquer through all of those.”
Samantala, nagpasalamat naman ang leader ng grupo na si Jhoanna sa kanilang mga pamilya sa masusing pag-gabay sa journey ng grupo. Aniya, “Alam nyo ba, Blooms, na dito sa lugar na ito, dito rin kami unang nag-evaluation. Parang bumabalik lang ang memories at kasama ulit namin ang families namin. Thank you for keeping us grounded ksi sobrang overwhelming yung mga nangyari. Thank you for guiding us na maging humble palagi.”
Kasama rin sa mahalagang okasyon sina ABS-CBN chairman Mark Lopez, president at CEO Carlo Katigbak, chief financial officer Rick Tan, head ng entertainment production at Star Magic na si Lauren Dyogi, ABS-CBN Music head Roxy Liquigan, at ang manager ng BINI mula sa Star Magic na si Mylene Quintana-Mallari.
Naging saksi rin sa bagong milestone ng BINI ang kanilang mga pamilya, ilang sa kanilang fans na tinatawag na BLOOMs, brand partners, at miyembro ng media.
Ngayong 2025, ang ‘born to win’ Filipino act ay nakatakdang maglunsad ng bagong single na “Blink Twice,” maglabas ng bagong EP, pangunahan ang “BINIverse World Tour,” at iba pa. Magaganap na ang “BINIverse World Tour: Philippines” sa Peb. 15 (Sabado) sa Philippine Arena.
Mapapanood ang “BINI: Kapamilya Hanggang Dulo” sa
Star Magic YouTube channel at
Facebook page.