News Releases

English | Tagalog

Shawn Crab, haharapin ang pag-ibig sa "Love Has Come My Way"

February 06, 2025 AT 12 : 57 PM

Unang awitin sa ilalim ng StarPop

Sweet at bubbly energy ang hatid ng bagong StarPop artist na si Shawn Crab sa kanyang early Valentine’s offering na “Love Has Come My Way.”

Tungkol ang kanta sa ligaya na dala ng pag-ibig at kung paano ito nagbibigay lakas para harapin ang hamon ng buhay. Ito ang unang single ni Shawn sa ilalim ng StarPop.

Mula ito sa komposisyon ni Leonardo Quinitio at produksyon ni StarPop label head Roque “Rox” Santos.

Lumaki sa San Francisco, California si Shawn at maagang nahasa ang kanyang talento sa musika dahil sa pagtugtog ng gitara, piano, at pagsusulat ng mga kanta sa edad na 11. Noong 2023, inilabas niya ang dalawang singles na “Is it too late?” at “This Fall, I’m Falling Hard” na parehong umani ng mahigit 50,000 streams sa Spotify.

Bilang singer-songwriter, naging self-expression niya ang musika para ipahayag ang damdamin at karanasan. Ilan sa kanyang musical influences ay sina Billie Eilish, Frank Ocean, at Clairo. 

Napapakinggan na ang bagong awitin ni Shawn na “Love Has Come My Way” sa iba’t ibang streaming platforms. Para sa ibang detalye, sundan ang StarPop sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok.

Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom

 

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE