Abangan ang KimPau, DonBelle, KDLex, FranSeth, JMFyang, at marami pa
Simulan na ang Feb-ibig kasama ang Kapamilya loveteams at real-life partners na may hatid na nakakakilig na mga performance ngayong Linggo (Peb. 9) sa Kapamilya Channel, A2Z, and TV5.
Pasayahin ang mga puso kasama sina Kim Chiu at Paulo Avelino, Donny Pangilinan at Belle Mariano, KD Estrada at Alexa Ilacad, Francine Diaz at Seth Fedelin, Fyang Smith at JM Ibarra, Kai Montinola, Jarren Garcia, at Kolette Madelo, Jolina Magdangal at Marvin Agustin, Erik Santos at Angeline Quinto, Yeng Constantino at Yan Asuncion, Zsa Zsa Padilla at Conrad Onglao, Martin Nievera at Anj Del Rosario, Regine Velasquez at Ogie Alcasid, at Gary Valenciano at Angeli Pangilinan.
Maghanda rin para sa mga nakakaantig na harana mula kina James Reid na kasama si Jolianne, British singer na si Elliot James Reay, Rockoustic Heartthrobs na sina Jarren, Kobie Brown, Blackburn, at Anthony Meneses, at OPM champions na sina Erik, Yeng, Marielle Montellano, JM Dela Cerna, Klarisse De Guzman, Jed Madela, Jona, at Jason Dy. Abangan rin ang nakakamanghang solo performance mula kay Asia's Songbird Regine.
Maki-indak naman kasama ang Supah Dancers na sina AC Bonifacio, Gela Atayde, Gab Valenciano, Ken San Jose at Dance Sirens na sina Loisa Andalio, Anji Salvacion, at Chie Filomeno. Subaybayan rin ang collab performance nina Darren at Jackie Gonzaga.
Ipagdiwang ang OPM tampok ang mga music icon na sina Ogie, Louie Ocampo, at Maestro Ryan Cayabyab, na sasamahan nina Gary, Erik, Martin, Zsa Zsa, Yeng, Angeline at Regine.
Makikisaya rin ang ASAP hosts na sina Robi Domingo, Janine Gutierrez, Edward Barbers, at Maymay Entrata.
Lahat ng ito, mapapanood ninyo ngayong Linggo mula sa longest-running at award-winning musical variety show sa bansa, "ASAP," 12 NN sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC.
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.