News Releases

English | Tagalog

Brence Chavez, nakahanap ng "Gabay" sa bagong awitin

March 13, 2025 AT 01 : 13 PM

Journey bilang recording artist, uumpisahan sa ilalim ng Star Music

Pag-asa na dala ng bagong pag-ibig ang ibinahagi ng baguhang singer-songwriter na si Brence Chavez sa kanyang debut single sa ilalim ng Star Music na pinamagatang “Gabay.”

Isinulat niya ang awitin na tungkol sa pagdating ng tao na muling magbibigay lakas na maniwala muli sa pag-ibig. Inialay ni Brence ang kanta sa kanyang pamilya at mga kaibigan na sumuporta sa kanyang pangarap.

“Hindi lang naman po ito para sa sarili ko. Para rin po ito sa pamilya, kaibigan, at mga taong naniniwala sa akin. Sila ‘yung nagbibigay sa akin ng inspiration para makapagpatuloy ako sa pangarap ko,” saad niya sa panayam sa ABS-CBN News.

Kasama ni Brence sa pagsulat ng kanta si Roly Halagao habang iprinodyus ito ni Dan Simon. Nagsilbing supervising producer nito si ABS-CBN Music operations, content, and creative head Jonathan Manalo.

Nagsimula ang musical journey ng Caviteño vocalist sa edad na 7 taon gulang. Sumabak din siya sa mga choral groups para mahasa ang kanyang talento at naging main vocalist ng YCF Cavite Provincial Band. 

Available na ang debut single na “Gabay” ni Brence sa iba’t ibang streaming platforms.  Para sa karagdagang detalye, sundan ang Star Music sa Facebook, X (Twitter), Instagram, TikTok, at YouTube.

Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom

 

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE