News Releases

English | Tagalog

Gerald, Ivana, at Sam, patok sa Ecuador

March 04, 2025 AT 02 : 02 PM

“The Broken Marriage Vow,” ineere na rin sa Ecuavisa

 

Tinutukan ng Latino viewers ang ABS-CBN serye na “A Family Affair”, sa pangunguna nina Gerald Anderson, Ivana Alawi, at Sam Milby, na nagtala ng pinakamataas na timeslot rating score noong ipinalabas ito sa Ecuavisa, ang nangungunang free-to-view channel sa Ecuador.

Para sa Programming Manager ng Ecuavisa na si Karina Medina, minamahal at kinakapitan ng Latin American viewers ang mga palabas ng ABS-CBN tulad ng “A Family Affair” dahil sa kakaiba nitong storya at relatable na characters.

“Ecuavisa is always searching for different content, and in recent years we launched our first Filipino telenovela on our screen. For us, it's important that it meets these four elements: a love story, a deep drama, a love triangle, and a great villain. These ingredients are essential when choosing telenovelas. The production level, the acting quality, and its locations all contribute to making it a very attractive product for the audience, touching on universal themes. We believe that ABS-CBN shows have all these elements which is why it resonated with our audience,” sabi niya.

Sinundan ng “A Family Affair” ang kwento ni Cherry Red (Ivana), na nagmana ng ari-arian mula sa mayamang pamilya ng mga Estrella. Papasok siya sa buhay ng magkakapatid na sina Paco (Gerald), Dave (Sam), Seb (Jake Ejercito), at Drew (Jameson Blake). Ibinunyag sa serye ang katotohanan tungkol sa pamana ni Cherry at inilantad ang mga nakabaon na lihim sa kanilang nakaraan.

Matapos ang pag-ere ng “A Family Affair,” sinundan ito ng Pinoy adaptation na "The Broken Marriage Vow," mula sa UK format na "Doctor Foster" na nilikha ni Mike Bartlett at na-distribute ng BBC Studios. Isa pa ito sa higit sampung serye ng ABS-CBN na ipinamahagi sa Latin America, kabilang na ang “Bridges Of Love," “Pangako Sa’Yo,” “Dahil May Isang Ikaw,” at “Kadenang Ginto.”

Sa ngayon, nakapagbenta na ang ABS-CBN ng mahigit 50,000 hours ng content sa 50 na bansa sa Asya, Africa, Europa, at Latin America. Mula sa pagiging broadcasting company, mas pinapalawak nito ang pagbibigay ng world-class na mga programa bilang isang global storytelling company.

Bisitahin lamang ang https://www.abs-cbn.com/internationalsales/about para sa karagdagang detalye patungkol sa ABS-CBN International Distribution.

Para sa iba pang Kapamilya updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.