News Releases

English | Tagalog

Pops at Lani, ipinakilala bilang bagong hurados ng 'TNT All-Star Grand Resbak 2025'

March 09, 2025 AT 11 : 33 PM


Ipinakilala bilang bagong hurados ang dalawa sa top OPM icons ng bansa na sina Concert Queen Pops Fernandez at Asia's Nightingale Lani Misalucha sa bagong edisyon ng "TNT All Star Grand Resbak 2025."

Ibang klaseng flavor at saya nga ang hatid nina Pops at Lani na kikilatis sa 48 resbakers ngayong edisyon. Masaya si Karylle na muling makasama at makatrabaho ang dalawa. 

"It came as a surprise. I'm just really excited to work with Pops and Lani again and to show them how fun it is to be here," sabi niya.

Excited naman sina Louie Ocampo at Jed Madela sa resbakers na sasalang ngayong season at natutuwa rin sila na patuloy ang pagbibigay ng "TNT" ng oportunidad sa mga ito. 

"I'm excited and very nervous because to be surrounded by these talented people, I have to be prepared. To be part of this group, ito yung tunay na 'TNT.' Tried and tested," pagbabahagi ni Louie .

"Sobrang saya ko na nabibigay sila ng isa pang opportunity para ipakita kung gaano sila kagaling. Exciting ito kasi salang-sala sila itong grupo na ito," dagdag ni Jed.

Para kay Ogie, kaabang-abang ang season na ito dahil sa bagong format na kanilang papakita lalo pa at para sa kanya "TNT" ang pinakamahirap na singing competition.

"Napakaganda ng format this season. Patibayan talaga ito. It is nice to see old faces and new faces. Alam niyo itong 'Tawag ng Tanghalan' ang pinakamahirap na singing contest. It stands the test of time. It's like a marathon," aniya.

Simula Lunes, abangan nga kung sino-sino ang magkakampihan at mananalo sa 48 resbakers na sina Psalm Manalo, Dior Bronia, Lee'anna Layumas,Niña Holmes, Nowi Alpuerto, Yen Victoria, Phoebe Salvatierra  Miano, Arvery Lagoring, Eunice Encarnada, Judylou Benitez, Mark Justo, Tenten Pesigan, Vensor Dumasig, Aboodi Yandog, Adrian Manibale, Ayegee Paredes, Jezza Quiogue, Marko Rudio, Shamae Mariano, Shirlyn Hida, Charizze Arnigo, Eich Abando, Rachel Gabreza, Shanne Gulle,Froilan Cedilla, Raymundo Alvarez, Marco Adobas, Makki Lucino, Nicole Yu, Isaac Zamudio, Raven Heyres, Jeremiah Tianco, Dylan Genicera, Shawn Agustin, Keith Perez, Aliyah Quijoy, Antonetthe Tismo, Jomar Pasaron, Kim Nemenzo, Chin Chin Abellanosa, John Ramirez, Aihna Imperial, Lady Ramento, Maty Cabagte, Mariel Reyes, RG Mia, at Venus Pelobello. 

Makisaya sa buong pamilya ng “It’s Showtime,” 12 NN mula Lunes hanggang Sabado, sa GMA, A2Z, Kapamilya Channel,  Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, pati na rin sa iWantTFC app o iwanttfc.com. Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa The Filipino Channel. Huwag din palampasin ang "Showtime Online U" sa YouTube channel ng "It's Showtime." Sundan din ang kaganapan sa "TNT All-Star Grand Resbak" at i-follow ang @tntabscbn sa FB at X,  @_tntabscbn sa TikTok at @tawagngtanghalan sa IG. 

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.