News Releases

English | Tagalog

“MMK,” muling magbabalik hatid ang mga bagong kwento sa iWantTFC

April 12, 2025 AT 08 : 02 PM

After more than three decades of sharing some of the most compelling real-life stories of Filipinos, “Maalaala Mo Kaya” (MMK) returns with a bold new chapter as a limited series on iWantTFC, premiering this April 24 (Thursday).

Hatid din ang mga kwento ng bagong kabanata sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, at A2Z

Magbabalik ang “Maalaala Mo Kaya” (MMK), ang linggo-linggong programang nagbigay inspirasyon sa sambayanang Pilipino sa loob ng mahigit tatlong dekada, sa bago nitong tahanan sa iWantTFC simula April 24 (Huwebes).

Hatid ng pagbabalik ng “MMK” at ng orihinal nitong host na si Charo Santos-Concio ang mga bagong kwentong sasalamin sa buhay ng mga Pilipino sa bago nitong kabanata na mapapanood din sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, at A2Z simula April 26 (Sabado).

Ibibida ng “MMK” ang bago nitong estilo ng pagkukwento sa 13 limited episodes na magbibigay pagkakataon sa Gen Z at Millenials na maging bahagi ng bawat kwento at usapan sa social media.

Eksklusibong mapapanood sa iWantTFC ang “unfiltered” o buong bersyon ng bawat episodes tampok ang director’s cut at mga eksenang mas malalim na tatalakay sa mga kwentong bibida bawat linggo.

Tampok sa unang episode ng pagbabalik ng MMK ay ang kwento ni “The Voice USA Season 26” champion Sofronio Vasquez III na susundan naman ng kwento ng isa sa mga miyembro ng Nation’s Girl Group na BINI.

Abangan ang mga bagong magaganda at nakaka-inspire na kwento hatid ng “MMK” na mapapanood sa iWantTFC, 48 hours in advance, simula April 24 (Huwebes). Available na rin ang iWantTFC via Chromecast at Airplay. 

Mapapanood din ang “MMK” sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, at A2Z simula April 26 (Sabado), 8:30 pm hanngang 9:30 pm.

Para sa ibang detalye tungkol sa iWantTFC, i-follow ang official pages nito sa Facebook, X, Instagram, at YouTube. 

Para sa ibang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, X, Instagram, TikTok, at Threads o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom. 

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE