Jennylyn Mercado's much-awaited music comeback is here.
Ultimate Kapuso, may ultimate music comeback ngayong 2025
Ultimate comeback sa recording ang hatid ng multi-awarded actress at platinum album selling Kapuso artist na si Jennylyn Mercado sa paglabas nito ng kanyang bagong single na “Ayaw Pang Umuwi” mula sa inaabangan niyang debut album under Star Music ng ABS-CBN.
“Sobrang nakakakilig. Sa wakas! One year in the making din itong album pero super worth the wait!” excited na ibinahagi ni Jennylyn.
Sa panulat ni Trisha Denise at produksyon ni ABS-CBN Music creatives, content, and operations head Jonathan Manalo, ang mellow pop track na “Ayaw Pang Umuwi” ay isang feel good song tungkol sa kilig na nararamdaman ng mga taong nagmamahal kasama ang kanilang minamahal.
“Noong una, di ako sure if bagay ba sakin yung kanta kasi sobrang iba yung vibe nya sa mga nagawa ko before. Medyo cutesy ito tapos medyo bagets! Pero syempre, buo ang tiwala ko kina Sir Jonathan at Sir Roxy. Alam kong di nila ako papabayaan and I am in good hands,” sabi ni Jen.
Simula ng nilabas ang kanta noong Biyernes (Apr 11), naging mainit ang pagtanggap ng fans sa “Ayaw Pang Umuwi” at mas kina-excite nila ang paparating na full-length album ni Jen.
“Natamaan ako bawat linya, grabe.... Walang kupas ang boses ni Ultimate Star!” sabi ni @marinelorubia3534
“Ganda ng song at ang ganda pa ng boses! Thanks to Star music for Ultimate Star Jennylyn Mercado's newest album! Nakaka good vibes na song,” pagbabahagi ni @meinardsantiago3609
“Can’t wait na marinig pa ibang songs sa album nya” dagdag ni @Darleeeee10.
Tinaguriang Ultimate Star ng bansa, si Jennylyn ay hindi lamang mahusay sa pag-arte, kung hindi pati na rin sa pag-awit. Binigyang kulay niya ang OPM hits tulad ng “Kahit Sandali,” “If I’m Not In Love,” “Sa Aking Panaginip,” at “Basta’t Nandito Ka.” Ginawaran din ng Platinum at Gold record awards ang ilan sa kanyang albums.
Makinig at kiligin sa pinakabagong single ni Jennylyn na “Ayaw Pang Umuwi,” available na sa iba’t ibang music streaming platforms. Para sa karagdagang detalye, sundan ang Star Music PH sa Facebook, X (Twtter), Instagram, TikTok, at YouTube.
Para sa iba pang updates, sundan @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok, o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.