News Releases

English | Tagalog

Regine, KDLex, KaiRen, at JMFyang, may summer pasabog sa "ASAP"

April 17, 2025 AT 04 : 05 PM

Abangan ang Jambayan homecoming prod kasama sina Moira Dela Torre, Zia Quizon, Kaye Cal, Migz Haleco, at JM De Guzman

 

Hot na hot na ang summer dahil sa pasabog na performances ng birthday girl na si Regine Velasquez, at Kapamilya loveteams na sina KD Estrada at Alexa Ilacad, Kai Montinola at Jarren Garcia, at JM IBarra at Fyang Smith ngayong Linggo (April 20) sa sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Mag-enjoy sa isang mainit na grand opening performance kasama ang OPM icons na sina Martin Nievera, Gary Valenciano, Regine, Zsa Zsa Padilla, Ogie Alcasid, Erik Santos, Yeng Constantino, at Jona. Subaybayan naman ang isang cool reggae gig mula sa Rockoustic Heartthrobs Jarren, Kobie Brown, Luke Alford, Blackburn, at Anthony Meneses.

Abangan ang pagbabalik ng Jambayan sa kanilang homecoming performance kasama sina Moira Dela Torre, Zia Quizon, Kaye Cal, Migz Haleco, at JM De Guzma.

Ipagpatuloy concert eexperience kasama sina Zsa Zsa, Gary, Jona, Kyla, ASAP champions Marielle Montellano, Lyka Estrella, Carmelle Collado, JM Dela Cerna, JM Yosures, Reiven Umali, at Khimo. Mahuli rin ang mga explosive dance acts mula kina Maymay Entrata, AC Bonifacio, Anji Salvacion, Darren Espanto, Jeremy Glinoga, Ken San Jose, Jameson Blake, Jas Scales, at Kolette Madelo.

Huwag palampasin ang inspirational vocal performances mula kay Jamie Rivera, kasama sina 92AD, Gary, Ogie, Erik, Martin, Zsa Zsa, Jed Madela, Jason Dy, Regine, Yeng, at Jona. Maghahatid din ng saya at tawanan ang ASAP hosts ngayong Linggo.

Lahat ng ito, mapapanood ninyo ngayong Linggo mula sa longest-running at award-winning musical variety show sa bansa, "ASAP," 12 NN sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.