News Releases

English | Tagalog

"ASAP" pillars, nakisaya sa Panaad sa Negros Kapamilya Karavan

April 03, 2025 AT 09 : 37 AM

“PBB Gen 11” housemates, inawitan ang 11,000 Negrense

 

Mahigit 11,000 Negrense ang pinasaya ng ABS-CBN stars sa pangunguna ng "ASAP" mainstays at OPM icons na sina Martin Nievera, Zsa Zsa Padilla, Angeline Quinto, at Regine Velasquez sa Panaad Festival Kapamilya Karavan sa Negros Occidental nitong Sabado (March 29) sa pagpapatuloy ng selebrasyon ng "ASAP" ng ika-30 anibersaryo.

Sa pagpapatuloy na pagbibigay ng world-class entertainment ng programa, pasabog at libreng concert experience ang hinandog nina Martin, Zsa Zsa, at Angeline, at Regine.

Nagpakilig naman si KD Estrada sa kanyang rendition ng "Kisapmata" ng Rivermaya. 

Samantala, pinasaya rin nina Rain Celmar, Kolette Madelo, Patrick Ramirez, at Dingdong Bahan ng "Pinoy Big Brother Gen 11" ang mga dumalo sa pamamagitan ng kanilang taos-pusong pag-awit ng OPM songs.

Mapapanood ang “ASAP” tuwing Linggo, 12 NN sa local TV sa pamamagitan ng Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide sa TFC.

Ang Panaad Festival Kapamilya Karavan ay naisakatuparan sa tulong ng ABS-CBN Regional, ABS-CBN Events, Kapamilya Channel Regional, MOR, at A2Z.

Para sa iba pang updates, sundan ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.