News Releases

English | Tagalog

ABS-CBN, RG Cruz wagi sa Icons of Change Awards 2025

April 30, 2025 AT 02 : 47 PM

ABS-CBN was honored with the Champion in Media, Community Connection, and Global Filipino Service award while ABS-CBN broadcast journalist RG Cruz bagged the Excellence in Political Correspondence trophy at the Icons of Change Awards 2025 for their outstanding contributions and commitment to making a significant impact in the industry.

Broadcast journalist RG Cruz pinarangalan para sa matapang na pagbabalita

Kinilala ang ABS-CBN bilang Champion in Media, Community Connection, at Global Filipino Service habang tinanggap ni ABS-CBN broadcast journalist RG Cruz ang Excellence in Political Correspondence na parangal sa Icons of Change Awards 2025 para sa kanilang huwarang kontribusyon sa industriya.

Kinilala ang ABS-CBN para sa tulong nito sa pag-promote ng Sustainable Development Goal (SDG) 16: Peace, Justice and Strong Institutions ng United Nations, na nakatuon sa pagtataguyod ng mapayapa at inklusibong mga lipunan at pagbibigay ng patas na hustisya para sa lahat.

“As one of the Philippines' leading media and entertainment companies, ABS-CBN has long served as a bridge connecting millions of Filipinos—not just within the country, but across the globe. Through its pioneering work in television, radio, film, digital, and community initiatives, ABS-CBN continues to affirm its enduring mission: to be in the service of the Filipino people, wherever they may be,” ayon sa social post ng Icons of Change.

Samantala, ginawaran naman si RG Cruz para sa kanyang matapang at malalim na pag-uulat sa usaping pulitika sa Pilipinas na nagbubukas ng diskusyon tungkol sa transparency, accountability, at pampublikong usapin.

Ang Icons of Change Awards ay nagbibigay pagkilala sa mga indibidwal at organisasyon na may mahahalagang kontribusyon sa pagpapaunlad ng lipunan na nakatuon sa mga Sustainable Development Goals (SDGs) ng United Nations.

Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.