Zsa Zsa Padilla is set to release her new album "'Pag Tinadhana" this Friday (May 16).
Tampok ang collab nila ni Zia para sa Mother’s Day
Ipinagdiriwang ng Divine Diva na si Zsa Zsa Padilla ang kanyang ika-42 taon sa industriya sa pamamagitan ng bagong album na “
‘Pag Tinadhana,” na ilulunsad sa Biyernes (Mayo 16), at “Through The Years” concert na gaganapin sa Sabado (Mayo 17) sa Samsung Performing Arts Theater.
“You will hear a lot of my hit songs. Para maging kakaiba siya, may mga rearrangements na mangyayari. I’m also introducing to my audience the new sound,” ani Zsa Zsa na excited nang iparinig ang kanyang mga bagong kanta sa nalalapit na concert.
Naglalaman ng walong kanta ang kanyang bagong album, kabilang ang “Pag Tinadhana,” “Kabiyak,” at “Never Be Alone” na nauna nang inilunsad.
Ang “
Never Be Alone” ang kanyang Mother’s Day offering na nagtatampok sa isa sa kanyang anak na si Zia Quizon. Tungkol ito sa isang ina na namimiss ang kanyang bond sa mga anak na umalis na sa kanyang poder.
“I want something that talks about empty nesting, kasi that’s what I am going through right now,” sabi ng “ASAP” mainstay.
Kabilang naman sa mga bagong awitin na nakapaloob sa album ang “Hinihiling,” “Memoryado,” “Bakit Ba,” Ingat Ka, Mahal Kita,” at “‘Pag Tinadhana” remix.
Samantala, makakasama ni Zsa Zsa bilang special guests sa kanyang “Through The Years” concert sina Erik Santos, Karylle, Zia, at Gary Valenciano.
Mapapakinggan na ang “Pag Tinadhana” album sa iba’t ibang music streaming platforms simula Biyernes (Mayo 16). Para sa karagdagang detalye, sundan ang Star Music PH sa
Facebook,
X (Twtter),
Instagram,
TikTok, at
YouTube.
Para sa iba pang updates, sundan @abscbnpr sa
Facebook,
X (Twitter),
Instagram, at
TikTok, o bisitahin ang
corporate.abs-cbn.com/newsroom.