Abangan ang back-to-back birthday pasabog nina Zsa Zsa at Darren
Unli ang kilig ngayong summer dahil sa kaabang-abang na duets ng loveteams na sina Francine Diaz at Seth Fedelin, Kai Montinola at Jarren Garcia, at KD Estrada at Alexa Ilacad sa "ASAP" ngayong Linggo (Mayo 18).
Makakasama ni Zsa Zsa Padilla ang kanyang anak na si Zia Quizon sa isang nakakaantig na birthday duet, habang sasabayan rin nina Inigo Pascual at Kyle Echarri sa kantahan at sayawan si Darren Espanto.
Tuloy lang ang summer vibes dahil itatampok ang reggae performance mula kina Martin Nievera, Ogie Alcasid, Regine Velasquez, Zsa Zsa, Erik Santos, Kyla, Yeng Constantino, Sofronio Vasquez, at OPM band na Brownman Revival.
Bida rin sa “ASAP” ang mga nakamamanghang vocal acts mula sa OPM icons na sina Gary Valenciano at Regine, Martin at KZ Tandingan, Ogie at Moira Dela Torre, Erik, Yeng, at Angeline Quinto, at Jona kasama ang Rockoustic Heartthrobs na sina Jarren, Kobie Brown, Luke Alford, Blackburn, Anthony Meneses.
Makiindak naman kasama sina Loisa Andalio, Gela Atayde, Ken San Jose, AC Bonifacio, at BGYO. Makisaya rin kasama ang mga host ng “ASAP” na sina Darren, Kyle, Inigo, Belle Mariano, Edward Barbers, at Emilio Daez.
Lahat ng ito, mapapanood ninyo ngayong Linggo mula sa longest-running at award-winning musical variety show sa bansa, "ASAP," 12 NN sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC.
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.