News Releases

English | Tagalog

Sofronio at Carmelle, binigyan ng bagong buhay ang "MMK" theme song

May 02, 2025 AT 11 : 17 AM

Sofronio and Carmelle breathe new life into the OPM classic "Maalaala Mo Kaya."

OPM classic na “Maalaala Mo Kaya,” may bagong remake 

Nagsanib-pwersa ang “The Voice USA” Season 26 winner na si Sofronio Vasquez at “Tawag ng Tanghalan” School Showdown edition champion na si Carmelle Collado para sa bagong remake ng OPM classic na “Maalaala Mo Kaya,” na nagsisilbing theme song ngayon ng weekly drama anthology ng ABS-CBN na “MMK.”

Mula sa komposisyon ni Constancio De Guzman ang awiting “Maalaala Mo Kaya” at may bersyon nito sina Dulce, Carol Banawa, at JM Yosures na naging theme song ng “MMK” sa mga nagdaang taon.  

Ang bagong remake nito ay prinodyus ni ABS-CBN Music creatives, content, and operations head Jonathan Manalo, inareglo ni Tommy Katigbak, at mixed at mastered ni Dante Tanedo. 

Napapanood ngayon ang bagong episodes ng “MMK,” ang minahal na Kapamilya program na pinangungunahan ni Charo Santos bilang host, 48 hours in advance sa iWantTFC bago ito umere sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, at A2Z tuwing Sabado, 8:30pm.

Abangan ang mga sariwang kwento na puno ng inspirasyon  sa  “MMK” at pakinggan ang bagong theme song nito mula kina Sofronio at Carmelle. Para sa karagdagang detalye, sundan ang Star Music PH sa Facebook, X (Twtter), Instagram, TikTok, at YouTube.

Para sa iba pang updates, sundan @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok, o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.