Tampok ang limang orihinal na komposisyon sa bagong mini album
Inilabas na ng baguhang singer-songwriter na si Justin Mclaire ang kanyang self-titled debut extended play (EP) sa ilalim ng ABS-CBN record label na StarPop.
Tampok ang iba’t ibang tema ng pag-ibig sa five-track mini album na naglalaman ng mga awiting “Bining Pantasya,” “Love Me Back,” Abutin,” “Relo,” at “Lagusan.” Mula ito sa orihinal na komposisyon ni Justin habang iprinodyus naman ito ng StarPop label head na si Roque “Rox” Santos.
Tungkol ang key track na “Abutin” sa pagnanais na hintayin na masuklian ang pag-ibig na nararamdaman para sa taong minamahal.
Nitong Enero, inumpisahan ni Justin ang journey niya bilang recording artist sa paglunsad ng mga awiting “Bining Pantasya” at “Love Me Back” bilang patikim sa kanyang EP.
Bilang songwriter, ilan sa itinuturing niyang influences ang local at international artists na sina Flow G, Adie, at Ez Mil. Pinasok din niya ang mundo ng teatro noong siya ay anim na taong gulang pa lamang.
Available ang self-titled EP ni Justin na napapakinggan sa iba’t ibang streaming platforms. Para sa ibang detalye, sundan ang StarPop sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok.
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.