News Releases

English | Tagalog

BINI, may variety show na sa YouTube

May 28, 2025 AT 01 : 13 PM

The nation’s girl group BINI treats fans with their first variety show “BINIversus,” featuring their unscripted sweet, chaotic, and everything in between moments.

“BINIversus,” itatampok ang kalog side ng grupo

Unli-saya at bonding ang handog ng BINI sa kanilang pagsabak sa una nilang variety show na “BINIversus,” na libreng mapapanood worldwide sa BINI YouTube channel simula Miyerkules (Mayo 28) ng 8 PM (Manila time).

Sasalang na sina Aiah, Colet, Maloi, Gwen, Stacey, Mikha, Jhoanna, at Sheena sa iba’t ibang masasayang challenges kung saan ang BINI mismo ang magsasalitan sa pagiging game masters at players kada episode.

Tiyak na kaaaliwan ng Blooms ang “BINIversus” dahil bibida rito ang kalog side ng bawat miyembro kung saan magpapakitang-gilas ang mga ito sa iba't ibang challenges na swak sa kani-kanilang “BINIverse” tampok ang mga personal na interes at hilig ng girls. 

Samantala, pwede ring masaksihan ang extended kulitan moments ng BINI sa “BINIverse Chaos: Unreleased Scenes.” Tampok dito ang eksklusibong episodes ng bloopers at never-before-seen scenes ng variety show, na mapapanood lamang ng Super Kapamilya members sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel simula Mayo 30 (Biyernes).

Patuloy ang pagbibigay saya at inspirasyon ng BINI sa lumalawak nilang pamilya na Blooms. Sa ngayon, nagsimula na ang kanilang “BINIverse World Tour.”

Makisaya kasama ang BINI sa “BINIversus” na libreng napapanood worldwide sa official YouTube channel ng BINI. May bagong episode na ipapalabas kada Miyerkules. Mag-subscribe naman bilang Super Kapamilya member sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel para mapanood ang extended scenes sa “BINIversus Chaos: Unreleased Scenes.” 

Para sa updates sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, and TikTok, o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE