News Releases

English | Tagalog

ABS-CBN, Big Winner sa 6th Village Pipol Choice Awards

May 30, 2025 AT 01 : 38 PM

ABS-CBN garnered over 30 honors, including the Hall of Fame award for Belle Mariano and Donny Pangilinan, BGYO, and MJ Felipe, at the 6th Village Pipol Choice Awards (VPCA).

DonBelle, BGYO, at MJ, pasok sa Hall of Fame
 
Nag-uwi ng higit 30 na parangal ang ABS-CBN, kabilang ang Hall of Fame para kay Belle Mariano at Donny Pangilinan, BGYO, at MJ Felipe sa 6th Village Pipol Choice Awards.
 
Pasok sa Hall of Fame, na iginagawad sa mga nagwagi ng tatlong sunod-sunod na taon, ang DonBelle na pinangalanang Love Team of the Year, BGYO na muling kinilalang Group Performer of the Year, at si MJ na pinarangalang News Reporter of the Year. Naiuwi rin ng fans club ng DonBelle na “Bubblies” ang Hall of Fame na parangal.
 
Panalo rin ang iWant ng Video Streaming Platform of the Year.
 
Nasungkit naman ng “Linlang” ang TV Series of the Year (Primetime) na parangal, habang tinanggap nina Kim Chiu, Paulo Avelino, at Kaila Estrada ang TV Actress of the Year, TV Actor of the Year, at TV Supporting Actress of the Year na mga parangal.
 
Maliban sa TV Host of the Year, kinilala rin si Unkabogable Vice Ganda bilang Movie Actor of the Year para sa pelikula ng Star Cinema na “And the Breadwinner Is…” na naguwi rin ng Movie of the Year na parangal. Tinanggap rin nina Eugene Domingo at Kokoy De Santos ang Best Supporting Actress at Best Supporting Actor na mga parangal, habang kinilala si Jun Robles Lana bilang Movie Director of the Year para sa parehong pelikula.
 
Samantala, kinilala naman si McCoy De Leon bilang TV Supporting Actor of the Year para sa kanyang husay sa “FPJ’s Batang Quiapo.” 
 
Sa larangan ng musika, itinanghal ang BINI bilang P-pop Group of the Year habang ang kanilang kantang “Salamin, Salamin” naman ay naiuwi ang P-pop Song of the Year na parangal. Tinanggap din ni BINI Aiah ang Breakthrough Social Media Star of the Year, habang kinilala si BINI Maloi bilang Female TikTok Face of the Year.
 
Si Darren Espanto ay kinilalang Solo Performer of the Year para sa kanyang concert na “D10,” habang si Daniel Padilla ay pinangalanang Headliner of the Year.
 
Nasungkit naman ni PBB Gen 11 Big Winner, Fyang Smith, ang Promising Female Star of the Year award. Nanalo rin siya ng Fandom of the Year at Love Team of the Year kasama si JM Ibarra para sa tambalan nilang JMFYANG. Wagi rin sina Dingdong Bahan at Patrick Ramirez bilang BL Love Team of the Year, habang panalo rin si Kollette Madelo at Jarren Garcia ng Viral TikTok Video of the Year. Samantala, si Star Magic artist at current housemate na si Esnyr ay kinilalang YouTuber of the Year. Itinalaga ring Star of the Night si Therese Villamor noong awarding ceremony.
 
Sa news and public service, itinanghal ang “TV Patrol” bilang News Program of the Year habang pinarangalan ang beteranong mamamahayag na si Bernadette Sembrano ng News Anchor of the Year.
 
Ang VPCA ay ang award-giving body ng Village Pipol na kumikilala sa mga huwaran sa iba’t ibang industriya.
 
Para sa iba pang updates, sundan @abscbnpr sa FacebookX (Twitter)Instagram, at TikTok, o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.