Proudly authentic at handang umibig sa bagong mini album
Puno ng confidence at pagmamahal si Chloe Anjeleigh San Jose o Chloe SJ sa kanyang bagong lunsad na debut extended play (EP) na “CHLOE ANJELEIGH…For Real.”
Umiikot ang mini album sa tema ng pagiging authentic at pagmamahal na sumasalamin sa naging karanasan at perspektibo ni Chloe sa buhay. Bukod sa unang singles niya na “FR FR” at “Nonchalant,” tampok din dito ang mga bagong awitin na “Iyo,” “Something Right,” “Tanim,” “Dulo ng Bahaghari,” at “Shush” na mula sa over-all production ng StarPop label head na si Roque “Rox” Santos.
Sa key track na “Iyo,” ibinahagi ni Chloe ang saya ng damdamin matapos matagpuan ang kanyang true love. Isinulat ito ni Trisha Denise at iprinodyus ni Roque “Rox” Santos.
Bago ilunsad ang kanyang debut EP, nagsimula si Chloe sa paggawa ng song covers sa social media. Sa kasalukuyan, may halos 500,000 subscribers siya sa YouTube at mahigit 1.3 million followers sa TikTok.
Noong 2021, inilabas niya ang single na “Aking Pagmamahal” na umani ng mahigit 1.8 million streams sa Spotify at 30 million views sa YouTube.
Napapakinggan na ang “CHLOE ANJELEIGH…For Real” EP sa iba’t ibang streaming platforms. Para sa ibang detalye, sundan ang StarPop sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok.
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.