News Releases

English | Tagalog

Galing sa pagkanta ng kiddie hopefuls, bibida sa “Idol Kids Philippines”

June 11, 2025 AT 05 : 19 PM

Returning for the maiden season of "Idol Kids Philippines” are Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid and Mr. Pure Energy Gary Valenciano. Completing the set of judges this season are Power Diva Angeline Quinto and record-breaking singer-songwriter Juan Karlos.

Tampok ang pagsasanib-pwersa nina Regine, Angeline, Juan Karlos, at Garry V. para hanapin ang susunod na “Idol Kid” ng bansa

Bibida ang boses ng Kiddie Hopefuls at magtatagisan ng galing sa kantahan sa pagsisimula ng pinakamalaking talent reality show na hahanap sa bagong iidolohin ng bansa sa kauna-unahang “Idol Kids Philippines” ngayong Hunyo 28 (Sabado).

Tampok sa kauna-unahang edisyon ng “Idol Kids Philippines” ang pagsasanib-puwersa ng naglalakihang bituin sa industriya ng musika sa Pilipinas na kinabibilangan nina Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid, Power Diva Angeline Quinto, record-breaking singer at songwriter Juan Karlos, at Mr. Pure Energy Gary Valenciano.

​Paniguradong mapupuno ng good vibes ang weekend ng manonood sa bagong duo hosts na sina Robi Domingo at Jolina Magdangal. Sasamahan din sila ng bagong IdolKada online hosts na sina Kapamilya actress at Idol Hopeful Shanaia Gomez at “PBB Collab Edition” celebrity ex-housemate Emilio Daez na makaka-bonding tuwing weekend ng netizens sa “Idol Kids Philippines Spotlight.”

Kilalanin ang bagong Kiddie Hopefuls, mula sa iba’t ibang sulok ng bansa na magpapasiklab ng kanilang angking galing sa pag-awit kalakip ang samu’t saring kwento nila ng pangarap at inspirasyon sa mga manonood.

Abangan ang kiddie hopefuls sa pagkamit ng kanilang mga pangarap sa “Idol Kids Philippines” simula sa Hunyo 28 (Sabado).

Para sa ibang detalye tungkol sa “Idol Philippines,” i-follow ang official pages nito sa Facebook, X, Instagram, at YouTube. 

Para sa ibang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, X, Instagram, TikTok, at Threads o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom. 

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 3 PHOTOS FROM THIS ARTICLE