Eere na simula June 16 sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, at iWantTFC
Ipapalabas na ang Chinese historical-romance series na “Unchained Love,” na pinagbibidahan nina Dylan Wang at Chen Yuqi, simula Lunes (Hunyo 16) tuwing 10:15 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, at iWantTFC.
Kilala si Dylan Wang sa kanyang mga lead role sa Chinese adaptation ng “Meteor Garden” at “Ever Night: War of Brilliant Splendours,” habang si Chen Yuqi naman ay sumikat sa hit na web series na “Heavenly Sword and Dragon Slaying Sabre.”
Nagbago ang kapalaran ng concubine na si Bu Yin Lou (Chen Yuqi), ang napiling alay para sa yumaong Emperor, nang iligtas siya ng kinatatakutang eunuch na si Xiao Duo (Dylan Wang) sa lihim na utos ni Prince Fu (Peter Ho). Bagamat isang Dowager Concubine na si Bu Yin Lou, unti-unting nahulog si Xiao Duo dahil sa kabaitan, talino, at kakaibang alindog ng dalaga. Sa kabila ng pag-usbong ng isang bawal na pag-ibig sa pagitan nila, parehong nakakulong sina Xiao Duo at Bu Yin Lou sa kanilang mga tungkulin at kapalaran.
Huwag palampasin ang kapanapanabik na mga episode ng “Unchained Love” simula Lunes (June 16) simula 10:15 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5 at iWantTFC.
Para sa updates, sundan ang @ABSCBNPR sa Facebook, X, TikTok, at Instagram, o bisitahin ang abs-cbn.com/newsroom.