News Releases

English | Tagalog

Carl Quion at Manza, pasok bilang grand finalists sa "Pilipinas Got Talent" Season 7

June 17, 2025 AT 01 : 02 PM

Tutukan ang final showdown ng world-class Pinoy acts ngayong weekend

 

Sasabak sa grand finals ng “Pilipinas Got Talent” Season 7 ang magician na si Carl Quion at drag queen-acrobat na si Manza matapos nilang mapabilib ang mga manonood at hurado nitong Linggo (Hunyo 15).

Nanguna si Carl Quion sa online voting na may 26.99% matapos ipamalas ang isang kamangha-manghang magic act kung saan tila binago niya ang takbo ng oras.

Samantala, nagpakitang-gilas naman si Manza sa pamamagitan ng kanyang nakakakabang acrobatic drag performance na umani ng dalawang "yes" mula sa hurado at nakakuha ng 25.88% sa online voting.

Makakasama nina Carl at Manza sa final stage sina Ody Sto. Domingo, Femme MNL, JB Bangcaya, Jessie J, Cardong Trumpo, at NDDU GNRLS para sa isang gabi ng nakakabilib na talento sa The Theater, Solaire Resort, Parañaque City ngayong weekend.

Ibinahagi ni Judge Freddie "FMG" M. Garcia ang kanyang pananabik sa line-up ng grand finalists na tiyak na aabangan ng lahat.

Huwag palampasin ang grand finals ng “Pilipinas Got Talent” Season 7, tuwing Sabado at Linggo, 7:15 PM sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, at A2Z. Mapapanood din ito sa TV5 tuwing Sabado, 7:15 PM, at Linggo, 7:45 PM.

Huwag kalimutang i-follow ang @abscbnpgt sa Facebook, X, Instagram, at TikTok para sa higit pang updates.

Para sa mga update, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, at TikTok, o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.