Coco Martin gave viewers a glimpse of upcoming back-to-back action-packed confrontations that include the possible death scenes of major characters
Sino ang susunod na mamamaalam sa serye?
Tuloy-tuloy nang inilalabas ni Coco Martin ang kanyang mga bala matapos niyang ipinasilip ang mga maaksyong tagpo sa “FPJ’s Batang Quiapo” kung saan may mamamaalam na karakter sa mga susunod na episode.
Live na ipinasilip mismo ni Coco sa “TV Patrol” kahapon (Hunyo 16) ang set ng “FPJ’s Batang Quiapo” kung saan pinaghahandaan ang isang pangmalakasang engkwentro kabilang ang mga karakter nina Jake Cuenca, Andrea Brillantes, at McCoy De Leon.
Bagama’t maingat si Coco sa mga detalyeng ibinahagi, nangako itong sunod-sunod na ang mga dapat abangan na makapigil-hiningang rebelasyon lalo na at nagsimula na ang pangangampanya ni Tanggol (Coco) bilang Mayor ng Maynila.
“Wala nang hingaan. Pinaghandaan namin ‘to at lahat ng eksena pinaghihirapan at pinag-iisipan. Ilang araw na namin shinu-shoot. Dire-diretso na lahat ng revelation at maraming character na dahan-dahan nang nawawala,” sabi ni Coco.
Sa isang pang pasilip na matinding bakbakan, makikita kung paano patutumbahin ni Tanggol ng mag-isa ang isang grupo ng mga armadong lalaki.
Samantala, gabi-gabi pa rin ang pagtutok ng mga Pilipino sa “FPJ’s Batang Quiapo” matapos itong magtala ng pinagsama-samang 11 milyong views sa Kapamilya Online Live para sa episodes nito noong Hunyo 12 at Hunyo 13.
Kahapon din ay naglabas ang serye ng bagong theme song at bagong poster upang opisyal na ilunsad ang pagpasok ni Tanggol sa mundo ng politika bilang ang "Tagapag-Tanggol ng Pagbabago" para makapaghatid ng tamang pagbabago sa taumbayan.
Patuloy na sinusubaybayan ang "FPJ's Batang Quiapo" maging sa labas ng Pilipinas kung saan kasalukuyan itong umeere sa 41 na bansa sa Africa na kilala sa pamagat na "Gangs of Manila." Nakatakda naman tumungo mismo ni Coco sa Africa sa Hunyo 28 para sa unang meet-and-greet ng ABS-CBN doon para sa "Kapamilya Live in Kenya" kasama si Julia Montes.
Huwag palampasin ang maaaksyong kaganapan sa “FPJ’s Batang Quiapo,” na hango sa orihinal na kwento ng Regal Films, gabi-gabi ng 8 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, iWantTFC, at Kapamilya Online Live. Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng iWantTFC at The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV.
Para makakuha ng updates sa “FPJ’s Batang Quiapo,” bisitahin ang batangquiapo.abs-cbn.com. Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.