News Releases

English | Tagalog

Kim at Paulo, bibida sa romance-suspense na "The Alibi" ng ABS-CBN

June 18, 2025 AT 12 : 28 PM

Kim Chiu and Paulo Avelino are back with a thrilling new series for ABS-CBN’s upcoming romance-suspense titled “The Alibi”

KimPau, may “new look” para sa inaabangang teleserye

Nakaka-intrigang mga karakter ang bibigyang-buhay nina Kim Chiu at Paulo Avelino para sa pagbibidahan nilang romance-suspense seryeng “The Alibi” ng ABS-CBN na malapit nang mapanood.

Inanunsyo ito ng ABS-CBN ngayong araw (Hunyo 18) sa mala-police report na mga larawan na may mga danak ng dugo tampok din ang new look nina Kim at Paulo. Makikita si Kim na may maikling buhok, makapal na lipstick, at nakasuot ng sexy na damit, habang “bad boy look” naman ang awra ni Paulo.

Kasama sa mga bumubuo ng “The Alibi” ang mga direktor na sina FM Reyes at Jojo Saguin, writer na si Danica Domingo, at mula ito sa produksyon ng Dreamscape Entertainment - ang parehong grupo sa likod ng patok na serye ng KimPau na “Linlang.”

Ang “The Alibi” ang kasunod na proyekto nina Kim at Paulo pagkatapos ng kanilang matagumpay na mga seryeng “Linlang” at ang Philippine adaptation ng “What’s Wrong With Secretary Kim.” Bumida rin sila sa box-office hit movie ng Star Cinema na “My Love Will Make You Disappear.”

Abangan ang iba pang mga detalye tungkol sa “The Alibi.” Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.