News Releases

English | Tagalog

Baguhang rapper na si Maven, naglabas agad ng dalawang kanta

June 18, 2025 AT 11 : 35 AM

Hip-hop artist MAVEN releases double music offerings under Star Music.

Dating “TNT Kids” contender, nais maghatid ng ‘real-life, authentic music”

Naglunsad ng dalawa niyang komposisyon, “Gustong Gusto (I like to so much)” at “Papunta Na Ako (I’m on the way),” ang baguhang singer-rapper na si MAVEN na siyang kauna-unahang hip-hop artist na nag-debut sa ilalim ng Star Music label ng ABS-CBN. . 

Si MAVEN o Dustin Gipala sa totoong buhay ay isa sa mga naging contender ng ‘Tawag ng Tanghalan Kids” season 1 at naging bahagi rin ng blind auditions ng “The Voice Kids” taong 2015. Naging aktibo naman siya bilang cover artist sa YouTube simula 2019.  

BIlang artist, nais ni MAVEN na maghandog ng relatable at totoong kwento sa kanyang mga hip-hop composition. Aniya, “real shit, real-life, and authentic lahat ng ilalabas nating music, abangan niyo.” 

Tungkol sa init ng damdamin na dala ng pag-ibig ang kanyang R&B track na “Gustong Gusto (I like it so much)” na prinodyus ng Cursebox.

“Yow! Nabuo yung song na yan dahil sa passion and love, ‘di dahil trip kong maging bastos o maangas. Gusto ko lang ilabas yung side ko bilang artist sa ganyang paraan,” post niya sa isang Instagram story.

Samantala, ang pop R&B track na  “Papunta Na Ako (I’m on the way)” ay tungkol sa katiyakan na papunta na ang isang tao sa kanyang minamahal na iprinodyus naman ni Young JV.

Noong nakaraang buwan ay inilunsad ni MAVEN ang una niyang hip-hop/ R&B recording na “Dito Ka Muna.” 

Available na sa streaming platforms ang mga bagong awitin ni MAVEN. Para sa karagdagang detalye, sundan ang Star Music PH sa Facebook, X (Twtter), Instagram, TikTok, at YouTube.

Para sa iba pang updates, sundan @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok, o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 3 PHOTOS FROM THIS ARTICLE