News Releases

English | Tagalog

Ogie, inilabas ang "Hanggang Dito Na Lang Ba Tayo?" music video tampok sina Jake at Kolette

June 02, 2025 AT 09 : 46 AM

Ogie Alcasid's new music video "Hanggang Dito Na Lang Ba Tayo?" stars Jake Villamor and Kolette Madelo.

Umarangkada sa ikapitong pwesto ng YouTube ‘Trending for Music’

Inilunsad ng award-winning singer-songwriter at producer na si Ogie Alcasid ang music video para sa awitin niyang “Hanggang Dito Na Lang Ba Tayo?” na pinagbibidahan nina Jake Villamor at dating “PBB Gen 11” housemate na si Kolette Madelo.

Mula sa direksyon ni Kashka Gaddi at produksyon ng Inside Job Studios ang madamdaming video kung saan ginampanan ni Kolette ang isang work-from-home advertising employee na hindi pa nakakabitaw sa pagmamahal niya para kay Jake. Sa pag-abot niya sa kanyang pangarap, matutunan niyang mamuhay kahit na may lungkot sa kanyang puso.

Isinulat at iprinodyus ni Ogie ang awitin kasama ang ABS-CBN Music creatives, content, and operations head na si Jonathan Manalo. Inawit din ng OPM hitmaker ang bagong single sa “It’s Showtime” nitong Biyernes (Mayo 23).

Umani ang video ng 212,000 views sa loob ng tatlong araw at kasalukuyang nasa ikapitong pwesto ng ‘Trending for Music’ sa YouTube. Maraming fans din ang pumuri sa bagong awitin ni Ogie at sa nakakakilig na chemistry nina Kolette at Jake.

“Nandoon yung kilig pero ba’t ang sakit? Ang galing nina Sir Ogie, Kolette at Jake! Masarap paulit-ulitin yung kanta,” saad ni @NicholeAirol.

“Pwede na ituloy sa movie or series. Great job Kolette and Jake! Thank you Sir Ogie for trusting them with this MV,” sabi ni @JoanAlburo-r8k.

“Ang natural lang ng aktingan nina Kolette at Jake kaya nakakadala. Grabe ang ganda ng boses ni Sir Ogie. Congratulations sa inyong lahat,” ani @ynxyhshx.

Panoorin ang “Hanggang Dito Na Lang Ba Tayo?” music video ni Ogie sa ABS-CBN Star Music YouTube channel. Para sa karagdagang detalye, sundan ang Star Music PH sa Facebook, X (Twtter), Instagram, TikTok, at YouTube.

Para sa iba pang updates, sundan @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok, o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.

 

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE