News Releases

English | Tagalog

Emilio Daez, bida sa Pride Month offering ng iWant na “Love at First Spike,” simula ngayong Hunyo 20

June 20, 2025 AT 03 : 42 PM

The new eight-episode iWant Originals series marks Emilio's first major acting role after his PBB stint, where he gained a strong following for his authenticity as a housemate. In this series, Emilio plays Uno, a basketball varsity captain who loses his spot on the team after a violent incident. To save his scholarship, he joins the school’s only remaining varsity team—the boys’ volleyball team, made up of proud and openly LGBTQIA+ students.

Tampok ang Gen Z high school life at kwentong LGBTQIA+ sa larangan ng sports

Bibida si Kapamilya star Emilio Daez sa unang iWant Original series ngayong 2025 na “Love at First Spike,” tampok ang kwento ng Gen Z high school life at kwentong LGBTQIA+ sa larangan ng sports ngayong Pride Month, na eksklusibong mapapanood sa iWant ngayong Biyernes (Hunyo 20).

Hindi lang sa court kundi pati sa usapang pag-ibig masusubok ang karakter ng “Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition” ex-housemate na si Emilio sa pagitan ng mga karakter nila Kapamilya star Sean Tristan bilang Jared at “Pinoy Big Brother: Otso” ex-housemate Reign Parani bilang Farrah.

Sa direksyon ni Ivan Andrew Payawal na direktor ng ilang coming-of-age at may temang LGBTQIA+ movies at series tulad ng “The Panti Sister” at “Gameboys,” tampok sa bagong serye ang ilang mahahalagang yugto ng Gen Z high school life tulad ng unang heartbreak at pagkilala sa sarili, habang tinatalakay ang ilang sensitibong usapin tulad ng stereotypes sa kasarian sa larangan ng sports at mga dinaranas ng student-athletes.

Makakasama rin sa all-star lineup ng series sina ““Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition” housemate River Joseph, “Pinoy Big Brother Gen 11” ex-housemates, Dylan Yturalde, Rain Celmar at Binsoy Namoca, “Pinoy Big Brother: Otso” ex-housemate Sky Quizon, at “PBB Connect” ex-housemate Andi Abaya. 

Bahagi rin ng cast ang dating “Sparks Camp” campers na sina Universe Ramos, Miggy Ruallo, Nick de Ocampo, at Bong Gonzales.

Hindi rin pahuhuli ang iba pang Kapamilya stars na sina Adrian Alandy, Meryll Soriano, Jude Hinumdum, Lance Reblando, Gio Alvarez, at Alwyn Uytingco na handang mag-serve, set, at spike ng samu’t saring emosyon sa kwento ng bagong series.

Kiligin at maka-relate sa kwento nila Uno, Jared, at Farrah sa “Love at First Spike” na eksklusibong mapapanood sa iWant ngayong Biyernes (Hunyo 20). Available na rin ang iWant via Chromecast at Airplay. 

Mag-subscribe na sa iWant sa halagang ₱35 lang (o katumbas ng halaga nito sa inyong bansa) kada buwan at panoorin ang iba pang iWant Exclusive Originals, sa iyong Smart TV. I-experience ang unang patikim sa “glow-up” at bagong viewing experience hatid ng iWant bago ang inaabangang full relaunch ngayong Hulyo.

Para sa ibang detalye tungkol sa iWant, i-follow ang official pages nito sa Facebook, TikTok, X, Instagram, at YouTube. 

Para sa ibang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, X, Instagram, TikTok, at Threads o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.