News Releases

English | Tagalog

New season ng “Rainbow Rumble,” mas makulay at mas pinasaya

June 27, 2025 AT 03 : 46 PM

Pambansang host and Rumble master Luis Manzano returns with a more colorful and brighter season 2 of "Rainbow Rumble," which will premiere this Saturday (June 28) and Sunday (June 29), 6:15 PM on Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, and iWant.

Vice, Marina Summers, at "Sins of the Father" cast, susubukin ang talino at diskarte sa game show...

Nagbabalik ang pinakamakulay game show ng bansa na "Rainbow Rumble" sa pangunguna ng Pambansang host at Rumble master na si Luis Manzano simula ngayong Hunyo 28 (Sabado) at Hunyo 29 (Linggo), 6:15PM.
 
Sa bagong season, makakasama pa rin ni Luis ang ka-Rambol niya na si Negi. Mas makulay at mas magiging masaya ang bagong season dahil sa bagong elements na magbibigay ng challenge para sa rumblers at mas magpapa-intense ng laban patungo sa pagsungkit ng P1 million.
 
Katulad ng nakaraang season, masusukat ang talino at diskarte ng rumblers para mauna sa tri-colored tile sa "Rally to the Top." Ang maswerteng rumbler naman ay tatawid sa  "Rainbow Reveal," kung saan kailangan niyang makuha ang anim na iba-ibang kulay na dice sa loob ng 60 segundo para manalo ng isang milyong piso.
 
Ngunit mas magiging exciting ang labanan ngayon dahil sa atras powers na makukuha ng dalawang rumblers at unlimited chances ng lahat ng rumblers i-challenge ang isa't isa sa tile breaker.
 
Mas malaki rin ang tsansa nilang mag-uwi ng malaking pa-premyo dahil doble na ang cash prize ng lucky tile. Bukod dito, kapag may nasagot ang tatlo sa anim na rapid fire questions ay malaki rin ang tsansa nitong manalo ng P1 million cash prize.
 
Sa unang weekend ng bagong season, makakasama ni Luis sina Jervi Wrightson, Marina Summers, Sassa Gurl, Iyah Mina, at Vice Ganda, at "Sins of the Father" cast members na sina Gerald Anderson, Jessy Mendiola, JC de Vera, RK Bagatsing, at Jerald Napoles.
 
Mula nang inilunsad ang programa, nagsilbing inspirasyon ang "Rainbow Rumble" sa teachers at educators para gamitin ang format para ma-engganyo ang kanilang estudyante sa classrooms at maging sa online. Isa sa mga nainspire sa show si Alfie Iglesia, isang guro na nabalitaang gumawa ng classroom version ng "Rainbow Rumble" para maging interactive ang learning ng kanyang estudyante.  Pinasalamatan ni Luis ang guro na naka-isip ng paraan para magamit ang show bilang epektibong education tool.
 
Alamin kung sino sa kanila ang makaka-abante sa "Rally to the Top" at may tsansang makuha ang lahat ng kulay sa "Rainbow Reveal."
 
Maki-sagot na sa tanong  sa pilot weekend ng programa. Abangan ang "Rainbow Rumble" simula ngayong Hunyo 28, 6:15PM sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, at iWant.
 
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa FacebookX (Twitter)Instagram, at Tiktok o bisitahin ang https://corporate.abs-cbn.com/newsroom/news-releases.