News Releases

English | Tagalog

John Arcenas, naglabas agad ng 3 bagong kanta

July 11, 2025 AT 09 : 41 AM

Following his captivating performance in "Idol: The April Boy Regino Story," John Arcenas begins his journey in the music industry under ABS-CBN's StarPop.

Panibagong journey bilang recording artist ng “Idol” star

Pinasok na ng  “Idol: The April Boy Regino Story” star na si John Arcenas ang music industry matapos niyang ilunsad hindi lang isa kungdi tatlong bagong awitin sa ilalim ng ABS-CBN record label na StarPop.

Tungkol sa pagkahulog ng damdamin ang ibinahagi niya sa remake ng “Sigurado” na mula sa komposisyon ni Trisha Denise na unang inawit ni Belle Mariano.

Sa awitin na “Paano Ba” ibinida naman niya ang sakit at lungkot dala ng pagtatapos ng isang relasyon habang ang “Isa Pang Ikaw” ay umiikot sa espesyal na pag-ibig na pang habang buhay. Isinulat ni Richanne Charms Jacinto ang parehong awitin.

Si StarPop label head Roque “Rox” Santos naman ang siyang nagprodyus ng tatlong kanta.

Bago niya pasukin ang musika, nakilala si John bilang aktor sa Netflix series na “Happy Crush” at musical play na “Juan Luna: Isang Sarsuwela.” Pinahanga niya rin ang mga manonood sa kanyang standout performance bilang April Boy Regino na nagpakilala sa kanyang bilang isa sa promising young artists ngayong henerasyon. 

Available ang musika ni John sa iba’t ibang streaming platforms. Para sa ibang detalye, sundan ang StarPop sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok.

Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.