News Releases

English | Tagalog

Pait ng buhay at pag-ibig, pagdadaanan nina Anne, Joshua, at Carlo sa “It’s Okay To Not Be Okay”

July 05, 2025 AT 01 : 37 PM

Mapapanood na simula Hulyo 21 sa Kapamilya Online Live, Kapamilya Channel, A2Z, at TV5



Handa ka na bang umiyak, matawa, at magmahal? Ihahatid ng ABS-CBN Studios ang Pinoy adaptation ng hit Korean drama na “It’s Okay to Not Be Okay,” tampok sina Anne Curtis, Joshua Garcia, at Carlo Aquino, simula Hulyo 21 sa Kapamilya Online Live, Kapamilya Channel, A2Z, at TV5 at matutunghayan nang mas maaga sa Netflix (Hulyo 18) at iWant (Hulyo 19).
 
Iikot ang kwento ng serye kay Patpat (Joshua), isang psychiatric caregiver na inaalagaan ang kanyang nakatatandang kapatid na si Matmat (Carlo) na may autism. Mababago ang takbo ng kanilang buhay nang makilala nila si Mia (Anne), isang sikat pero problemadong manunulat ng mga librong pambata. Habang unti-unting lumalalim ang relasyon ni Mia at Patpat kasama si Matmat, haharapin nila ang mga sugat ng nakaraan at matutuklasan kung paano sila maghihilom mula rito.

“This is a universal story that everyone would be able to relate to. It’s a healing story and it’s a beautiful journey of love. And at the end of the day, every Filipino, whether it’s family or friends, will be able to relate to the story of healing, pain, and love,” ani Anne, na gaganap bilang si Mia Hernandez, sa mediacon ng serye noong Lunes (Hunyo 30).

Ayon naman kay Direk Mae Cruz-Alviar, tinimplahan nila ang pagtalakay sa mental health issues na maiintindihan ng mga manonood.
 
“Kailangan natin i-ayon sa pagtanggap ng audience sa ganitong talakayan tungkol sa mental health. Kasi hindi ganun kalaki ang awareness, so kailangan namin i-handle na ‘wag biglaan ‘yung audience, na ‘wag sila ma-overwhelm. So there is careful handling in telling the story but also staying true to the core of the show,” paliwanag niya.
 
Samantala, ibinahagi ni Joshua kung gaano siya naka-relate sa karakter niyang si Patpat Gonzales: “Nakaka-relate ako sa kanya kasi parehas kaming mapagmahal na kapatid at nangungulila sa nanay. Pati ‘yung pagka-burned out ng character ko, naramdaman ko rin.”

Ikinuwento naman ni Carlo, na gaganap bilang si Matmat Gonzales, kung paano niya pinaghandaan ang kanyang role. Sumailalim siya sa workshops at nag-immersion sa mga espesyal na eskwelahan.
 
Kasama rin sa cast sina Rio Locsin, Bobot Mortiz, Michael De Mesa, Maricel Laxa, Agot Isidro, Enchong Dee, Kaori Oinuma, Bodjie Pascua, Ana Abad Santos, Sharmaine Suarez, Xyriel Manabat, Louise Abuel, Francis Magundayao, Alora Sasam, Alyssa Muhlach, Bianca De Vera, Aljon Mendoza, at Mark Oblea.Ang serye ay sa direksyon nina Mae Cruz-Alviar at Raymond Ocampo, at sa pangunguna nina creative producer Henry Quitain at Star Creatives business unit head Des M. De Guzman.
 
Mapapanood ang “It’s Okay to Not Be Okay” simula Hulyo 21, gabi-gabi simula 8:45 PM, sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, at TV5. Tunghayan din ito nang mas maaga sa Netflix (Hulyo 18) at iWant (Hulyo 19).
 
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa FacebookX (Twitter)Instagram, at Tiktok o bisitahin ang https://corporate.abs-cbn.com/newsroom/news-releases.
 
 

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE