Darren celebrates his 11th anniversary in the industry with a new album titled "Ikaw Pa Rin."
Tampok sina Belle, DJ M.O.D., at Jonathan
Inilunsad ni Asia’s Pop Heartthrob Darren Espanto ang bago niyang album na “
Ikaw Pa Rin,” ang una niyang album sa ilalim ng Star Music, kasabay ng pagdiriwang niya ng ika-11 taon sa industriya.
Naglalaman ng 13 tracks ang album at lima rito ay siya mismo ang sumulat, “Bibitaw Na,” “Hanggang Kailan,” “Ilang Beses,” “Iyo,” at ang kanyang writing collaboration kay Angela Ken na “Paano Kung Tayo Na Lang?”
Kasama ni Darren si DJ M.O.D. sa title track na “Ikaw Pa Rin,” isang nakakaindak na awitin na tungkol sa pagpili sa taong minamahal ano pa man ang mangyari.
Magkasama rin ang dalawa sa kantang “
ANNAB” na may music video tampok si Ashley del Mundo na napapanood na ngayon sa ABS-CBN Star Music YouTube channel.
Tampok naman si Belle Mariano sa remake niya ng “Dati.” Una nilang inawit ang kanta sa “BELOVED” concert ni Belle.
Isa pang kolaborasyon na bahagi ng album ang “Duyan” na inawit ni Darren kasama si ABS-CBN Music creatives, content, and operations head Jonathan Manalo, na siya ring sumulat ng kanta kasama si Robert Calma.
Kabilang din sa bagong musika ni Darren ang “PBB: Celebrity Collab Edition” eviction theme song na “Paalam Muna Sandali” at ang Chinese-Tagalog version ng “Iyo” na unang narinig sa “Can’t Buy Me Love.”
Ang mga kantang “Di Makaramdam” at “Miss” ang kumukumpleto sa album ni Darren, na unang nakilala sa “The Voice Kids Philippines” season 1 taong 2014 kung saan itinanghal siyang first runner up.
Napapakinggan na ang “Ikaw Pa Rin” album sa iba’t ibang music streaming platforms. Nakatakda ring maglabas si Darren ng physical copy ng bagong album. Para sa karagdagang detalye, sundan ang Star Music PH sa
Facebook,
X (Twitter),
Instagram,
TikTok, at
YouTube.
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa
Facebook,
X (Twitter),
Instagram, at
TikTok, o bisitahin ang
corporate.abs-cbn.com/newsroom.