Level-up ang kilig sa ikatlong season ng “Sparks Camp,” ang unang queer dating reality show sa bansa, sa pagsasama-sama ng sampung lalaki sa mga bundok para maghanap ng pag-ibig na mapapanood simula Hulyo 16 (Miyerkules) sa bago nitong tahanan sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel.
Bukod sa inaabangan na bagong grupo ng campers na maghahatid ng kilig, tampok din sa “Sparks Camp” season 3 ang bago nitong lokasyon sa naggagandahang mga bundok at ang nakaka-LSS na theme song nitong “Nahuhulog” na kinanta ng dating “The Voice Teens PH” season 1 finalist na si Chie.
Nagbabalik bilang host si ‘Mother Sparker’ Mela Habijan at ang direktor na si Theodore Boborol kung saan kilig overload ang hatid nila sa naturang programa dahil sasabak sa iba’t ibang masasayang dating games ang mga camper upang mahanap ang kani-kanilang ‘mutual spark.’
Matapos ipasilip sa social media ang sampung bagong camper, ngayon pa lang ay kanya-kanyang komento ang netizens sa pinupusuan nilang camper. Makikilala ang advertising executive na si Joer Reyes, content creator na si Edward Maalihan, brand strategist na si Kim Bejerano, performing artist na si Harold Espiritu, piloto na si Andrew Rabin, podcaster na si Julian Agustin, flight attendant na si Khali Empleo, graduate student na si Aaron Aberasturi, professional wrestler na si Julio Dragon Silvestre, at marketer na si Ants Pedregosa.
Handog din ng bagong season ang mas pinakilig na aminan at rebelasyon ng mga camper dahil available sa buong mundo ang special director’s cut para sa Super Kapamilya members sa ABS-CBN Entertainment YouTube at kapag nag-subscribe sa iWant.
Magmula noong nag-premiere ang “Sparks Camp,” pumatok ito sa mga manonood sa Pilipinas pati na rin sa labas ng bansa kabilang ang USA, Canada, Middle East, at India dahil sa pagtampok nito ng iba’t ibang karanasan ng LGBTQIA+ community.
Nagtala rin ito ng pinagsama-samang mahigit pitong milyong digital views sa YouTube para sa seasons 1 at 2 at nakasungkit din ang programa ng nominasyon para sa Best Original Reality and/or Competition Programme sa 2024 ContentAsia Awards.
Huwag palampasin ang nakakakilig na mga tagpuan sa “Sparks Camp” season 3 na mapapanood simula Hulyo 16 sa
ABS-CBN Entertainment YouTube channel kung saan may bagong episode na ipapalabas kada Miyerkules. Mapapanood naman ang special director’s cut sa
ABS-CBN Entertainment kapag sumali bilang Super Kapamilya member o maaaring i-access ito sa iWant.
Para sa updates sundan ang @abscbnpr sa
Facebook,
Twitter,
Instagram, and
TikTok, o bisitahin ang
corporate.abs-cbn.com/newsroom.