Viewers nationwide prefer to catch relevant news and inspiring TV series on ABS-CBN as the network registered an average audience share of 45%, or 14 points higher than GMA’s 31%, based on data from Kantar Media.
“FPJ’s Ang Probinsyano,” “The Voice Kids” nanguna sa mga palabas
Mas tinutukan ng mga manonood sa buong bansa ang balita at nakakapukaw na mga palabas NG ABS-CBN matapos makakuha ito ng average audience share na 45%, o 14 points higit sa 31% ng GMA’s, ayon sa datos mula sa Kantar Media.
Nangunguna pa rin ang “FPJ’s Ang Probinsyano,” (34.9%) na nagdiriwang ng ika-apat na taon sa telebisyon.
Ang hit reality singing TV competition na “The Voice Kids” (34.2%) naman ang nagunang TV show tuwing Sabado’t Linggo, habang ang action-drama na “The General’s Daughter” (32.2%) ay nanatiling isa sa pinakapinapanood na palabas ng mga Pilipino.
Kasama sa listahan ng most-watched shows noong Setyembre ay ang “Wansapanataym” (30.6%), “Parasite Island” (30.4%), “Maalaala Mo Kaya,” (29.2%), “TV Patrol” (27.6%), “Home Sweetie Home: Extra Sweet” (25.8%), at “Rated K: Handa Na Ba Kayo?” (23.7%).
Samantala, nagwagi rin ang ABS-CBN sa lahat ng time blocks noong Setyembre, sa pangunguna nito sa primetime (6:00 PM-12:00 MN) kung saan nagtala ito ng 47% share, kumpara sa 33% ng GMA; sa afternoon block (3:00 PM-6:00 PM) kung saan nagtala ito ng 48%, kumpara sa 32% ng GMA; sa noontime block (12:00 NN-3:00 PM) kung saan ito nagtala ng 48%, kumpara sa 29% ng GMA, at sa morning block (6:00 AM-12:00 NN) kung saan naman nagtala ito ng 37%, kumpara sa 29% ng GMA.
Nagwagi rin ang Kapamilya network sa Metro Manila matapos makakuha ng 41% share, para talunin ang 25% ng GMA. Sa Mega Manila naman, nakakuha ang ABS-CBN ng 36%, habang ang GMA ay nakakuha ng 32%.
Sa Total Luzon, nakuha ng ABS-CBN ang 41%, laban sa 34% ng GMA. Nakuha naman ng ABS-CBN ang 57% sa Total Visayas, upang talunin ang 24% ng GMA; at 51% sa Total Mindanao para talunin ang 28% ng GMA.
Gamit ng multinational audience measurement provider na Kantar Media ang nationwide panel size na 2,610 sa urban at rural homes na kumakatawan sa 100% ng total Philippine TV viewing population.