ABS-CBN won the hearts of viewers nationwide in April as it offered values-laden and relevant news stories, hitting an average audience share of 46%, or a 16-point wide lead against GMA’s 30%, according to data from Kantar Media.
Afternoon average audience share patuloy na tumataas dahil sa “Kadenang Ginto”
Patuloy sa pagiging numero uno sa mga puso ng maraming Pilipino noong Abril ang mga hatid na makabuluhang balita at mga programang mapupulutan ng aral ng ABS-CBN matapos nitong magtala ng average audience share na 46%, o 16 na puntos na lamang sa 30% ng GMA, ayon sa datos ng Kantar Media.
Hindi pa rin natitinag bilang pinakapinapanood na programa nationwide ang “FPJ’s Ang Probinsyano” (38.5%), na sinundan ng “World of Dance Philippines” (32.6%) na matagumpay na nagtapos sa ere.
Nasa ikatlong pwesto naman sa listahan ng most watched programs nationwide noong Abril ang “The General’s Daughter” (31.3%) dahil sa episodes nitong puno ng aksyon, samantalang nasungkit agad ng bagong weekend talent reality show na “Search for the Idol Philippines” (29.5%) ang ikaapat na pwesto.
Mas maraming Pilipino pa rin ang tumututok bawa’t gabi para sa mga balita na hatid ng “TV Patrol” (28.3%) na kumumpleto sa top five. Samantala, pasok sa ikapito na pwesto ang “Kadenang Ginto” (25.3%) na most watched afternoon show nationwide na laging trending online. Kabilang din sa listahan ang “Halik” (25%), “Maalaala Mo Kaya” (24.5%), at ang bagong Dreamscape weekend program na “Hiwaga ng Kambat” (23.5%).
Dahil patuloy na inaabangan tuwing hapon ang “Kadenang Ginto,” tumaas ang average audience share ng afternoon block (3PM-6PM) ng ABS-CBN, kung saan nakapagtala ito ng 51%, o 22 puntos na lamang sa 29% ng GMA. Ito rin ang unang beses ngayong 2019 na umabot ang afternoon average audience share ng ABS-CBN sa 50%.
Gayundin, panalo rin ang ABS-CBN sa iba’t ibang timeblocks, kabilang na sa primetime block (6PM to 12 MN), kung saan nakakuha ito ng average audience share na 48%, laban sa 31% ng GMA. Ang primetime block ang pinakaimportanteng parte ng araw kung kailan karamihan sa mga Pilipino ay nanonood ng telebisyon at inilalagay ng advertisers ang malaking parte ng kanilang investment upang makaabot sa mas maraming consumers.
Tinutukan din ang ABS-CBN sa morning block (6AM-12NN) sa pagtala nito ng average audience share na 35%, kumpara sa 29% ng GMA at sa noontime block (12NN-3PM), matapos itong magkamit ng 47%, laban sa 29% ng GMA.
Mas pinanood din sa Metro Manila at Mega Manila ang Kapamilya network. Sa Metro Manila, nagtala ang Kapamilya network ng average audience share na 44%, o 22 puntos na lamang sa 22% ng GMA. Sa Mega Manila naman, nakakuha ng 38% ang ABS-CBN, kumpara sa 29% ng GMA.
Namayagpag din ang ABS-CBN sa Total Luzon sa pagtala nito ng 41%, laban sa 33% ng GMA; sa Total Visayas sa pagkamit nito ng 55%, kumpara sa 23% ng GMA, at sa Total Mindanao, kung saan nakasungkit ito ng 54%, laban sa 27% ng GMA.
Kinakatawan ng Kantar Media ang 100% ng mga manonood ng telebisyon sa buong bansa sa paggamit nito ng nationwide panel size na 2,610 na urban at rural homes.