Videos

ABS-CBN PR News Rundown: Thai series na "I'm Tee, Me Too," mapapanood na sa iWant TFC

September 18, 2020 AT 05 : 34 PM

May bago na namang Thai series na magpapakilig sa sambayanan dahil mapapanood na ang "I'm Tee, Me Too" simula ngayong 10:30 ng gabi sa iWant TFC! Meron ding mahusay na awitin ang handog sa atin ng Tarsier Records na pinamagatang "RISE." Nagsanib-pwersa rito sina Inigo Pascual, Sam Concepcion at iba pang kilalang artist sa ibang bansa. Para naman sa mga mahilig mag-share ng fun and inspiring quotes, i-check na ang special sticker pack ng ABS-CBN Books sa Viber app na tampok ang mga quotes mula sa iba't ibang Kapamilya authors tulad nina Vice Ganda at Alex Gonzaga. Panoorin na ang #ABSCBNPRNewsRundown para updated ka lagi sa balita, mga Kapamilya!