Mga dokyu ng ABS-CBN News, magandang panoorin ngayong Holy Week

April 03, 2020 AT 10:32 PM

Discover and reflect this Holy Week with these eight timely ABS-CBN News Features

Being in quarantine in the past weeks has allowed people to pause, reflect, and catch up on watching good content. As we remain in the safety of our homes, here are several more documentaries and features to watch as we spend Holy Week in quarantine mode. No need to shell out money, just check out the ABS-CBN News YouTube Channel or iWant!

Ngayong Semana Santa, pinapayuhan pa rin ang lahat na manatili sa bahay upang maiwasang mahawa sa kumakalat na COVID-19. Magandang pagkakataon ito para magmuni-muni at manood ng mga palabas na kapupulutan ng aral at inspirasyon, tulad na lang ng mga dokumentaryo at kwentong ito mula sa iba-ibang programa ng ABS-CBN News.

Kasabay ng pangungulila ng libu-libong namatayan ng mahal sa buhay dahil sa coronavirus, pakinggan naman natin kung paano napatawad ng aktres na si Cherry Pie Picache ang pumaslang sa kanyang ina sa dokumentaryong “Radical Love” ng ABS-CBN DocuCentral.

Mga kwentong kukurot sa puso naman ng mga taong naapektuhan ng isinasagawang malawakang lockdown ang hatid ni Jeff Canoy sa episode ng “#NoFilter” na pinamagatang “Quarantine.” Ipapakita naman ng isang debotong binabae kung paano niya isinasabuhay si Hesu Kristo tuwing Semana Santa sa “Pasan,” na nanalo sa Class Project Intercollegiate Mini Documentary Competition ng ABS-CBN at Knowledge Channel.

Mapapaisip ka naman kung kumusta na ngayong panahon ng “physical distancing” at “social distancing” ang pamilyang tampok sa “Angkan na Siksikan” ng “Rated K.” Kasama si Korina Sanchez-Roxas, alamin kung paano nagmumuhay ang 30 miyembro ng pamilya sa kanilang maliit na tahanan.

Maganda ring panoorin ang kwento ng hirap sa kabila ng pagsisikap ng isang maninisid ng buhangin sa “Sisid” episode ng “Mukha,” pati na rin ang paglalahad ng katotohanan tungkol sa usaping mental health at mental illness sa dokumentaryong “Invisible.”

Ang mga nais nang makalabas ay pwedeng “sumama” sa pagakyat ni Robi Domingo sa Mt. Apo para sa kanyang “Lakwatsero” digital series. Maaari rin nilang sundan ang kwento ng buhay ni Gina Lopez, na naglingkod sa ibang bansa ng maraming taon bago umuwi sa Pilipinas at naging pinuno ng ABS-CBN Foundation.

Mapapanood ang lahat ng ito at marami pang ibang magagandang palabas ng libre sa ABS-CBN News YouTube channel o kaya naman sa iWant app o iWant.ph. Para sa updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, at Instagram o pumunta sa www.abs-cbn.com/newsroom.