New songs from Chie, Justin Mclaire, Nonoy Pena, and Pippen!
Tampok sina Chie, Justin Mclaire, Nonoy Peña, at Pippen
Hatid ng baguhang Kapamilya artists na sina Chie, Justin Mclaire, Nonoy Peña, at Pippen ang iba’t ibang kwento ng pag-ibig at pananampalataya sa kanilang mga awitin.
“Kung Maaari” ang bagong single ng “The Voice Teens Philippines” season 1 finalist na si Archie “Chie” Aguilar na siya mismo ang sumulat tungkol sa pagkahulog ng puso sa isang espesyal na tao. Iprinodyus ito ni Kiko “Kikx” Salazar sa ilalim ng Old School Records.
Mapait na kwento naman ng one-sided love ang ibinahagi ng Kapamilya singer na si Justin Mclaire sa kantang “
Love Me Back.” Isinulat ni Justin at iprinodyus ng StarPop label head na si Roque “Rox” Santos ang pop-rap song na nagpapahayag ng paghihintay sa taong iniibig kahit na posibleng masaktan ito sa dulo. Ito ang ikalawang single ni Justin matapos ilunsad ang kantang “Bining Pantasya” noong Enero.
Binigyan ng bagong kulay ng Bicol YouTube sensation na si Nonoy Peña ang OPM hit na
“Hindi Kita Iiwan.” Unang inawit ni Sam Milby ang kanta na tungkol sa pagdamay sa taong minamahal sa gitna ng unos at ginhawa sa buhay. Nagsisilbi itong key track ng bagong EP ni Nonoy na “
Nonoy Live” kung saan tampok ang iba’t ibang rendition niya ng classic OPM songs.
Samantala, puno naman ng pag-asa ang Star Music artist na si Pippen sa bagong kanta na “
Reaches Out.” Ipinaalala rito ni Pippen ang pagkakaroon ng paniniwala sa Diyos anuman ang pagsubok na dumating sa buhay. Inilunsad din niya ang bagong mini album tampok ang “Reaches Out” at apat na bagong worship songs.
Damhin ang kwento ng pag-ibig at pananampalataya sa bagong musika ng
ABS-CBN Music na napapakinggan sa iba’t ibang streaming platforms. Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa
Facebook,
X (Twitter),
Instagram, at
TikTok o bisitahin ang
corporate.abs-cbn.com/newsroom.