Mga kantang “PSM,” “Ibang Planeta,” at Punong Baso,” inilabas na
Tagos sa puso at relatable ang mga bagong rock anthem na handog ng mga bandang BRYN at RadRed at ni Dan Martel sa ilalim ng DNA Music label ng ABS-CBN.
“Pinalit sa Malapit (PSM)” ang titulo ng debut single ng BRYN, isang rock-emo-ballad band na nagmula sa La Union. Tungkol ang “PSM” sa long distance love at sa sakit na naramdaman ng taong ipinagpalit sa iba.
“Ibang Planeta” naman ang titulo ng kanta ni Dan Martel na isang love song tungkol sa out of this world feels na nararamdaman ng isang tao sa bagong iniibig. Ito ang latest single ng Dan na sumulat ng Himig Handog 2019 Best Song na “Mabagal.”
Tungkol rin sa bagong nararamdaman na pag-ibig mula sa gabing pinagsamahan ang awiting “Punong Baso” ng bandang RadRed, na kilala dati bilang Jose Carlito at binubuo ang banda nina Katsumi Kabe, JZ Lorenzo, Vastien de Jesus, at JC Padilla. Mula ang kanta sa komposisyon ni JC na prinodyus ni Jack Rufo.
Napapakinggan na ngayon ang “PSM,” “Ibang Planeta,” at “Punong Baso” sa iba’t ibang streaming platforms. Para sa karagdagang detalye, sundan ang DNA Music PH sa Facebook, X, Instagram, at YouTube.
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.






