Listicles

English | Tagalog

"Call Me Mother," nagtala ng P392 milyon na kita worldwide

February 07, 2026 AT 01:52 PM

Star Cinema, ipinahayag ang pasasalamat sa mga manonood

Opisyal nang nakalikom ng P392 milyon na kita sa takilya sa buong mundo ang 2025 Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na “Call Me Mother” nitong Pebrero 5.

“Thank you Direk Jun Lana dahil naparanas mo sa akin ang isang bagong pangyayari sa buhay ko. Dream role ko ‘to. I am also so thankful to Nadine Lustre,” ani Vice Ganda sa ginanap na thanksgiving dinner noong Huwebes (Pebrero 5) para sa naturang pelikula.

Natuwa rin si Nadine sa pagtangkilik ng mga manonood sa kanilang pelikula, “Sobrang grateful ako kasi ang daming good things na nangyari sa pelikula. Marami tayong napaiyak at napatawa.”

Nagpasalamat din si Direk Jun sa lahat ng bumubuo sa pelikula, na mula sa produksyon ng Star Cinema, The IdeaFirst Company, at Viva Films.

Inulan ng magagandang salita mula sa mga manonood at film critic ang hit comedy-drama kung saan naghatid ito ng parehong saya at kirot sa puso dahil sa nakakaantig na mensahe na tungkol sa sakripisyong handang gawin ng isa ina para sa kanilang anak – kadugo man nila ito o hindi. 

Ginawaran ang “Call Me Mother” sa 51st MMFF Gabi ng Parangal bilang 3rd Best Picture at nanalo rin ito ng Gender Sensitivity award, habang kinilala naman sina Vice bilang Best Actor at Lucas Andalio para sa Best Child Performer. 

Napapanood pa rin ang pelikula sa piling mga sinehan sa Canada, Singapore, at Australia. 

Umiikot ang “Call Me Mother” sa kwento ni Twinkle (Vice), isang loud-and-proud queer icon sa mundo ng beauty pageant at ang tumayong ina sa ampon niyang si Angelo (Lucas). Dadaan sa pagsubok ang relasyon ng mag-ina nang pumasok sa buhay nila ang totoong nanay ni Angelo na si Mara (Nadine) upang makuha ang kustodiya ng kanyang anak. 

Para sa mga detalye, sundan ang Star Cinema sa Facebook, X, Instagram, YouTube, at TikTok. Para sa ibang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, at TikTok, o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE