Listicles

English | Tagalog

4 na bagong kanta mula sa ABS-CBN Music para sa nakakakilig at mapanakit na pag-ibig

June 17, 2026 AT 11:20 PM

Love at heartbreak anthems mula sa bagong Kapamilya singers

Mula sa unang kilig hanggang sa mapait na pagtatapos ng pag-ibig, iba ang tagos ng emosyon kapag may musikang na nagbibigay ng senti at kilig feels. Tampok sa apat na bagong awitin mula sa ABS-CBN Music ang saya at lungkot taong nagmamahal.

Pag-ibig na walang kupas naman ang ibinuhos ni Keybi sa debut single na “Kahit Na.” Mula sa komposisyon ni Kemp Brian Mahor Rogame ang kanta na umiikot sa pagmamahal na walang hinihintay na kapalit. Iprinodyus ito ni DNA Music label head Gabriel Tagadtad.

Madadamin naman ang hinaing ni KYLO sa bagong awitin na “Pakiusap” na tumatalakay sa paghahanap ng kasagutan at kasiguruhan habang unti-unting lumalamig ang isang dating malapit na samahan. Isinulat ni KYLO at iprinodyus ni Cursebox ang hiphop song.

Mapanakit na heartbreak anthem ang hatid ng Old School Records artist na si BAN sa latest single na “Tangan.” Isinulat at iprinodyus ni Kiko KIKX Salazar, ang alternative-pop track na tungkol sa isang tao patuloy na kumakapit sa pag-ibig at mga alaala kahit naging mapait ang pagtatapos ng relasyon.

Samantala, muling pagkakaroon ng pag-asa ang ibinahagi ni Leon sa bagong single na “Sumaya.” Isinulat mismo ni Leon ang awitin sa edad na 17 na sumasalamin sa panahon na may kinakaharap siyang pagsubok sa kanyang mental health. Tungkol ang awitin na iprinodyus ni Dan Simon sa kung paano nakakatulong ang iba’t ibang uri ng pag-ibig para mahanap ang ligaya sa buhay.

Damhin ang himig ng bagong awitin mula sa ABS-CBN Music na napapakinggan sa iba’t ibang digital streaming platforms. Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, TikTok, o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.



PHOTOS

DOWNLOAD ALL 9 PHOTOS FROM THIS ARTICLE

4 na bagong kanta mula sa ABS-CBN Music para sa nakakakilig at mapanakit na pag-ibig